Tuesday, August 31, 2010

"SHELL-A"

S - H - E - L - L - A
Iyan ang gusto kong itawag sakin ng mga tao.
Pero ang totoo, Shiela ang pangalan ko.
Hindi ko alam kung bakit, pero para sakin masyadong common ang Shiela, kaya mas pinili ko ang SHELLA.
Isang 'shell' na nilagyan ng titik 'a' sa dulo.
Iyon ang itawag niyo sa akin.

Oo, ayoko ng common, I strive to be creative and original.
Pero hindi naman ako outcast.

Hindi ako magugulat kung aakalain mong tahimik ako at mahiyain, malamang na bagong kilala mo palang sa akin.
Pero tama ka, minsan talaga tahimik ako pero hindi ibig sabihin nun e nahihiya ako, dahil wala sa bukabularyo ko ang hiya.
Pagsinabi kong nahihiya ako, 'wag kang maniniwala sa akin, tatlo lang ang totoong ibig sabihin nun: maaaring naninibago lang ako, o gusto kong pilitin mo ako o ayoko lang talaga.
Kapag minsan tahimik ako, ibig sabihin nun badtrip ako at 'wag kang magkakamaling dagdagan ang init ng ulo ko, pero pwede ring tahimik ako kasi ayoko lang talagang kausap ka.

Madaling uminit ang ulo ko, kaya 'wag kang magulat kung tatarayan nalang kita bigla 'pag may 'di ako nagustuhan sa ginawa o sinabi mo.
Aaminin ko, wala akong pasensya.
Huwag kang makipagdebate sakin kung hindi mo kayang harapin ang init ng ulo ko.
Malamang sa malamang ipaglalaban ko ang alam kong tama, kaya galingan mo ang pagpapaliwanag sakin para maunawaan ko ang punto mo.
Kung tumahimik man ako sa gitna ng debate, ibigsabihin nun maghanap ka ng kausap mo dahil ayoko ng makipag-usap sayo, malamang ang labo mong kausap.

'Wag mong papakelaman ang mga gamit ko lalung-lalo na ang mga mahahalaga sakin, kung hindi ka rin lang magpapaalam, baka kasi magsabong tayo.

'Wag mo rin ako hahamunin sa pataasan ng pride, kung hindi ka naman ganun kahalaga sakin, matatalo ka lang.

Pero ganun pa man, 'wag kang 'back fighter'.
Maging matapang ka na sabihin sa harapan ko ang lahat ng hinaing mo sakin, kung ayaw mong matawag na duwag.

Siguro ngayon, iniisip mo na komplikado akong tao.
Pwedeng nagkakamali ka.
Dahil madali mang uminit ang ulo ko, mas madali naman akong mapatawa.
Kahit gaano pa kakorni ang joke mo, matatawa pa rin ako dahil sa kakornihan mo.

Pinahahalagahan ko yung malalapit kong kaibigan dahil sila lang yung nakakaunawa sakin.
Tumataba ang puso ko 'pag pinapakita nilang kilala nila ang totoong ako.

May panahong seryoso ako, pero ibang klase din ako pagdating sa kalokohan.
Pwede akong matured sa harapan mo, pero madalas isip bata din ako.

Gaano man ako ka-moody sayo, ipagmamalaki ko pa rin na may puso ako.
Hindi mo 'to basta-basta makikita kung titingin ka lang.
Parang dagat: minsan payapa, minsan maalon; minsan high-tide, minsan low-tide.
Pero sa loob nito nandun pa rin ang totoong kagandahan.
Nandun din ang maraming 'shell'.

Pero ako, ako yung 'shell' na may titik 'a' sa dulo. :)

No comments:

Post a Comment