(Ok, I can't believe I'm posting this on-line, but anyway, past is past and this might help someone out there. Sabi nga nila, "Experience is the best teacher." pero sabi ko naman, "Experience is a subject, and God is the teacher.")
Dear five-letter-name,
Una sa lahat, gusto kong malaman mo na nakokornihan ako sa
ginagawa ko. Etong pagsulat sayo, sobrang ‘yucki-iww’. Iniisip ko pa nga lang
na gagawin ko to, kinikilabutan na ko, ano pa kaya ngayon na ginagawa ko na.
Pangalawa, kahit labag to sa loob ko, ginawa ko, pero hindi
para sayo. Para to sa sarili ko. Kaya wag ka masyadong ngumiti ng
pagkalaki-laki dahil nakatanggap ka ng love letter galing sakin. Dyuskuporsantos,
gumawa ako ng love letter?! Nakaka-iiwwww!! Pero tulad nga ng sabi ko, kelangan
ko to gawin para sa sarili ko.
Pangatlo, gusto ko ibigay mo sana ang buong atensyon mo
dahil ang mga susunod mong mababasa ay hindi mo na maaring itanong saakin sa
muli nating pagkikita. Kung ako sayo, intindihin mo ng buong puso at namnamin mo
dahil ito ang una at huling beses na sasabihin ko ang mga ito sayo. Ready ka
na? Ako hindi pa.. Inhale, exhale.. Ok, basahin mo.
Ang totoo hindi ko alam kung paano sisimulan ang mga gusto
kong sabihin sayo, sa sobrang dami kasi, hindi ko na alam kung saan sisimulan.
Siguro para mas madali nalang at para di ka na mahirapan magbasa, isusulat ko
na ng daretyahan…
Mahal kita.
Pero hindi kita mahal ng higit sa Diyos, dahil wala akong
mamahalin ng higit sa Kanya. Kaya wag ka masyadong ma-flatter dyan ngayong alam
mo na.
Matagal na kitang mahal, ewan ko lang kung napansin mo.
Napansin mo nga ba? Nung una, ideni-deny ko pa yun sa sarili ko, kaya sa harap
mo at sa harap ng ibang tao, wala akong ibang nararamdaman sayo kundi pure
friendship.
Pero sobrang nabigatan na ko, hanggang sa inamin ko na din
sa sarili ko na in-love nga ako sayo. Kasabay nun, gabi-gabi akong umiiyak sa
Diyos. Tinatanong ko Siya kung bakit ikaw. Sa dinami-dami ng lalaking kilala ko
at sa dinami-dami ng nagparamdam sakin, bat sayo pa ko nahulog? E hindi ka naman talaga seryosong nagparamdam sakin.
At ang kapal ng mukha mo! Alam mo kung bakit? Kasi ikaw ang
kauna-unahang lalaking nagpaiyak sakin ng ganun… Ikaw ang nagpatunay sakin na
nadudurog talaga ang puso… Ikaw ang first heart break ko… Ikaw ang nagparamdam
sakin ng matinding selos… Ikaw rin ang dahilan kung ba’t ako na-inspire
magfasting, masasabi kong you led me closer to God. Nagkaron kami ng matinding
closeness ni God dahil sa heart ache na ipinadama mo sakin. At dahil din sayo
kaya ngayon naniniwala na ako sa ‘I love you, goodbye.’
Ang galing ko no! Kasi hindi mababakas sakin na nasaktan mo
pala ko. Dapat alam mo na, I’m a girl with a pride higher than my height. Kaya nga
di ko magawang maamin ang lahat ng to. Pero hindi ko man maamin, siguro
naiparamdam ko naman, yun nga lang kontrolado pa rin. Yung tipong iisipin mong
ginagawa ko lang yung mga bagay na yun kasi boybestfriend kita.
Totoo namang ikaw talaga ang BoyBestFriend ko. Pero mahal
kita. At kahit nakikita mo kong kasama
ng ibang lalaki o nababalitaan mong may kasama akong iba, ikaw pa rin ang mas
nakahihigit sakanila. Ikaw pa rin ang pipiliin ko, kasi nga ikaw ang mahal ko.
Dito ko rin napatunayan na kahit ganu ka-gwapo at kahit sa pinaka-sweet pa na
paraan magtapat sakin ang isang lalaki, walang dating.. walang kilig.. kung
hindi naman ikaw ang gagawa nito para sakin.
Pero hindi mo naman yun gagawin, at lalo lang ako masasaktan
habang tumatagal. Kaya nga sinubukan kong iwasan ka, alam kong naramdaman mo
yun at ngayon alam mo na ang dahilan nun. Muka kasing masyado mo na kong
nasasaktan, kaya habang mahal ko pa ang sarili ko, nilayuan na kita. Pero hindi
naman kita natiis, hindi ko rin kinaya na iwasan ka ng tuluyan.
Hindi ko alam kung may magbabago satin ngayong alam mo ng
mahal kita. Pero kung may magbago, lumayo ka nalang ng tuluyan. Kasi kahit
mahal kita, kaya ko pa rin mabuhay ng wala ka. At kung hindi na tayo mananatili
sa ganitong closeness dahil sa pag-amin ko, mas mabuti pang maglayo na nga lang
tayo. Kesa naman masaktan mo nanaman ako. Siguro malulungkot ako sa sa umpisa,
pero alam kong alam mo na marunong ako maging masaya. Kaya magiging ayos lang
ako. Wag mo kong intindihin. Isa pa, I have God. J
Yun lang.
Bahala na kung
mag-uusap pa tayo ulit, pero hanggang sa muling pagkikita,
GirlBestfriend