Monday, September 17, 2012

Kilala niyo ba siya?

photocredit:christianityblog.com  




Kilala niyo ba siya? Yung gwapong lalaki, matangkad, maputi pero hindi naman ganun kaputi. Maganda yung mga mata niya, saka may kakaibang ngiti na kapag nginitian ka hindi pwedeng hindi mo din ngingitian. Matipuno yung katawan niya. May nakakaloko siyang tawa, at may nakakaloko rin siyang mga kilos. Minsan kasi yung mga tawa niya, may kakaibang landi, ganun din yung mga kilos niya. Lalaki naman siya, pero minsan, kumekendeng siya. Ewan ko ba kung sinasadya niya lang yung mga bagay na yun o sadyang hindi niya lang kontrolado. Kung minsan tuloy napagkakamalan siyang… alam niyo na.

Sa totoo lang malapit kami sa isa’t isa, kaya alam kong lalaki siya. Pero isang araw, meron balitang kumalat na nagladlad na daw siya. Sus, hindi naman kapani-paniwala, malambot siya, oo, pero hindi siya… alam niyo na. Pero napansin ko din yun, yung mga lakad niya, mas naging pakendeng-kendeng. Yung mga tingin niya, madalas nakatuon sa lalaki. Pero alam ko, lalaki pa rin siya!

Nagulat ako nung araw na may tinanong siya, sabi niya, “Magagalit ka ba kung sabihin ko sayong gusto kong maging babae?”. Ano ba namang klaseng tanong yun, hindi ko naman yun ikinagulat, siguro dahil na rin sa mga inaakto niya nung mga nagdaang araw. Pero nalungkot ako, hindi dahil sa tanong niya, kundi dahil sa sagot ko, sabi ko, “Hindi”, may karugtong kasi yun na hindi niya narinig, kasi sa utak ko nalang nasabi. “Pwede”, Hindi pwede! – Yun talaga ang gusto ko sabihin.

Tapos nun, ang lahat ng taong nagdududa sa pagkatao niya, yung mga nag-aakalang…. alam niyo na, e nakakuha na ng ebedensya. Mula mismo sa mga labi niya, inaamin na niya ang totoong pagkatao niya. Pero bakit ganun? Para sakin, lalaki pa rin siya. Kumekendeng siya, humaharot siya, pero sa mga mata ko yung totoong pagkatao niya ang nakikita ko. Maniwala kayo, lalaki siya!

Maaring sinasabi ng iba na hindi ko siya lubos na kilala, nagkakamali sila. Dahil ang totoo, sila ang hindi lubos na nakakakilala sakanya. Kanya-kanya lang naman tayo ng kahinaan, nagkataon lang na yun ang kahinaan niya. At sadya rin lang na ang tao, laging nakatingin sa kung anong kahinaan mo. Hindi nila alam na gusto niya talaga ang pagiging lalaki niya, yun nga lang hinuhusgahan lagi ang mga kilos, ang pananalita, at ang buong pagkatao niya. E ano nga namang laban niya, kung halos lahat inilulugmok siya sa kahinaan niya? Kesa lumaban at ipagtanggol ang totoong sarili, ibinigay niya ang gusto niyong mangyari at kung anong gusto niyo makita para matigil na ang haka-haka at mga pag-uusap sa likod niya. Pero ako ang magsasabi sa inyong lahat, lalaki siya! Huwag niyo siyang husgahan, basta lalaki siya. Huwag niyong itali ang isip niyo sa kung anong nakikita niyo.

Ang totoo niyan, may pagkakataong nabasa ko ang isa sa mga status niya sa isang sikat na social web page (alam niyo na yun). Tandang-tanda ko yun, kasi importante ang bawat salitang inilabas niya sa post na yun. Sabi niya, “Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko? Akala ko wala lang kapag may kasama kang ibang lalaki pero ang totoo nagseselos ako, pero sino ba naman ako, isa lang naman akong hamak na bestfriend ng isang babaing mahalaga sakin. Ang tanga ko lang kasi andyan na siya, di pa siya naging akin. Salamat at ikaw ang nagpabago sa buhay ko”. Medyo huli na yun nung nabasa ko, mga nakalipas na ang isang buwan mula nung mai-post niya yun. Kaya pala biglang, naging kakaiba ang tingin nila samin dalawa. Kaya pala may mga nagtatanong kung paano daw kung manligaw siya. Akala ko, naging sobrang malisyoso lang ang tao sa paligid namin, yun pala may pinanggagalingan naman pala talaga. Totoo ngang walang usok, kung walang apoy.

Nung nabasa ko yun, dun naging malinaw ang lahat. Gusto ko ipagsigawan sakanila, “Ano! Napahiya kayo no! Sabi ko naman sainyo, lalaki siya!”. At konting pagtatama lang, wala akong binago sakanya, dahil yun naman talaga siya simula’t sapul pa lang. Ang mga mata niyong mapanghusga ang nagtulak sakanya na lalong kumendeng habang naglalakad. Pero alam ng Diyos, kung anong tunay na pagkatao niya.

Pero bakit, hindi niya nagawang sabihin sakin ng daretsyahan? Ah, alam ko na, kasi ma-pride siya. At yung ginawa niyang pag-post ng nararamdaman niya para sakin ay isang malaking sapak na sa pride na meron siya. Para sakanya, sobra-sobra na yun. Alam ko yun at naiintindihan ko siya kasi magkaibigan kami. At dahil magkaibigan nga kami, alam niyo naman siguro ang kasabihang “Birds of the same feather flock together”. Oo, ma-pride din ako at yun ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi sakanya na nabasa ko ang post niya at kung ano ang tunay kong nararamdaman para sakanya. Siguro hindi lang ako ma-pride, duwag din ako kasi hindi ko maipaglaban kung anong nararamdaman ko para sakanya. Ayan tuloy, hindi ko na siya makita.

Sabihin niyo, nakita niyo ba siya? Pagnakita niyo siya, wag niyo nalang siyang husgahan, hindi siya yung inaakala niyong… alam niyo na. Bukod kasi sa inilalagay niyo sa alanganin, e nasasaktan niyo pa siya at kapag nasasaktan siya, nasasaktan din ako. At kung makita niyo man siya, pakisabi bumalik na siya. Miss na miss ko na siya. Pakisabi rin na kahit ano pa siya, mahal na mahal ko siya – ang babaing itinuturing siya bilang matalik na kaibigan pero ang totoo, higit pa dun ang nararamdaman niya.

Sunday, August 19, 2012

Because ABS-CBN Scriptwriting Workshop didn’t call back…


I always hear people say, “There’s nothing impossible.”, and maybe it’s one of the most optimistic ways to go on and do what you think is unattainable.

We all have dreams. It may look so hard to reach but FAITH keeps us going. By believing that God is on our side and that He has a plan on how will you achieve your greatest dream, is enough to keep that HOPE on fire. And the story of other people who have achieved their dreams because they never stop pursuing it, gives us the INSPIRATION to do the same.

Faith. Hope. Inspiration.

These maybe are the important ingredients we should and must have in order to taste the sweet savor of our dream – That something we really want the most in life; the so-called passion your heart beats for.

But still we must admit that inspite of having these ingredients, there are times we get CONFUSE that most of the time led you to QUIT. There’s a voice inside that tells you “It’s impossible to happen. Come on! Wake up and face the reality that it can never happen! Go for something else. Something you can easily achieve.”

And then you asked God. CONFUSION totally caught the attention of your heart and mind. Maybe you have told God, “Is this really the road that I should take? If so, why is it this hard? Why do I keep on failing? Lord God, what is Your plan? Help me understand the situation I am in. Guide me.”

And despite the voice that pulls you down, there’s still a little HOPE, a little FAITH, and INSPIRATION.

Honestly, I’ve been there and still am running the cycle of Faith-Hope-Inspiration-Confusion-Quitting-Faith-Hope-Inspiration-Confusion-Quitting-Faith and so on…

I may not be as famous as Socrates or Aristotle or any known philosopher whose words were quoted for a million times. Maybe I am no one for I haven’t achieved anything yet. But these I tell you:

Go after your dream, your passion, that something you really want to do. Don’t think of that baggage you have in life, instead give it God. And in times of CONFUSION remember this – God will never give that passion without a purpose. Have FAITH and trust Him. He was the one who molded your heart. There’s a very reason why you have that passion. Besides, life is short to ignore what your heart beats for (nabuhay ka pa kung di mo rin naman susundin ang puso mo!). And if others can, of course you can (Duh, pare-pareho lang tayong tao!). And that might serve as your MOTIVATION. Because you may have all the FAITH, INSPIRATION and HOPE in life but without MOTIVATION how do you think you will move on?

And as for me, no matter how exhausted I get in this cycle, as long as I have this passion… not until I reach my dream, I am not going to stop. I will take some time to rest but I’m not going to stop. I can adjust my action steps but not my dream.

With the Mighty help of God, I am going to be a writer, a creative writer, to be specific. And may God keep my strength.

Thursday, July 26, 2012

Para Sa Aking BBF.


(Pambungad: Dahil ayokong mawala sa mundo ng hindi nasasabi ang halaga sa akin ng isang tao..)

Sa wakas..
Habang buhay ko na siya magiging BBF (Boy Best Friend).
Akala ko hindi yun posible, pero base nga sa karanasan ko, pwede mo pa ring maging kaibigan ang taong minahal mo ng higit sa kaibigan.
Sa kaso nga namin, matalik na magkaibigan pa rin kami. J

Siya ang aking Boy Best Friend.

Mahal ko siya at wala yung malisya.
Lagi akong handang sumuporta sa kanya.
Lagi akong nandito kung kailangan niya.

Magka-boyfriend man ako, may espesyal na parte pa din si BBF sa puso ko.
Kapag nasaktan ako, kapag masaya ako, siya ang unang makakaalam nito.

Natutuwa ako dahil walang nagbago samin, maliban sa, mas matatag at matibay na ang samahan namin ngayon.
May karapatan pa rin kami na hilahin ang isa’t isa san man matripan pumunta.
O kaya naman mamingot ng tenga sa oras na maging pasaway at magpakatanga.
Walang lihiman, kahit ano pa yan!
We’ll be partners in crime, take good care of eachother as long as we’re alive.
At inuulit ko, wala ng malisya ‘to. Haha

Salamat sayo BBF! J

Hindi mo lang alam, ang dami kong natutunan dahil sayo!
I’m so thankful to God, for He allowed you to become part of my life.
Aja for us BBF!
And here’s the lyrics of the song that I once did dedicate to you, and still is dedicated for you.


My song to my BBF!

               broken wings by flyleaf
 
   Thank you for being such a friend to me
   Oh I pray a friend for life
   And have i ever told you how much you mean to me
   Oh you mean so much to me
(and I really mean it!)
 
   I'm Thinking all the time how to tell you what I feel
   I'm Contemplating phrases
(alam mo yan.. it’s not that easy to a girl with a pride higher than her height.. hahaha)
 
   I'm gazing at eternity
   I am floating in serenity
(BBF kita forever! :P)
 
And I am so lost for words
(napipi?!!)
 
And I am so overwhelmed
(totoo! Walang halong biro..)
 
 
   Please don't go just yet
   Can you stay a moment please
(kaya nga inaabot ng pasado alas-dyes ng gabi sa bahay.. anong oras nga ba pinaka-late mong uwi?)
 
   We can dance together
   We can dance forever
(o ayan, kahit di ako marunong sumayaw!)
 
Under your stars tonight
We’ll breath and live these dreams
(let’s keep pursuing our dreams! Kaya natin ‘to BBF!)
 
 
Close your eyes
But don't dream too deep
(baka di na magising??!! hehe)
 
And please pass me some memories
(o ayan ha!)
 
   And when I fall you're underneath
A thousand broken hearts
Carried by a thousand broken wings
(ibigsabihin niyan, andito lang ako, saka andyan ka rin lang..)

Ayos ba, BBF? ;)

Maling Akala

Naranasan mo na bang masampal ng maling akala? Yung tipong siguradung-sigurado ka sa paniniwala mo sa isang bagay, tapos sa isang iglap ng pagkakataon, masasampal ka ng katotohanang mali pala ang inaakala mong paniniwala. Napahiya ka. Ang mas masakit pa nito, napahiya ka hindi lang sa sarili mo kundi pati sa mga taong napaniwala mo din ng iyong maling akala.


Sa loob ng dalawampu’t dalawang taon ko dito sa mundo at labinlimang taon na may muwang sa mundo, iba’t ibang klase na siguro ng maling akala ang naranasan ko. Iba-iba rin ng paraan ng pagkapahiya. Pero alam ko, at sigurado ako na hindi lang ako ang biktima ng mga maling akalang pinaniwalaan ko. Kahit ipusta ko pa ang boyfriend ko, alam ko na maging ikaw na nagbabasa nito, naranasan na ang mga bagay na nakalista sa ibaba. Kaya ipusta ko man ang pinakamamahal kong tao, ako pa rin naman ang mananalo.

Mga nakakatawang maling akala, kung minsan, masakit din. Pero tawanan nalang natin ang katangahang pinagdaanan natin sa sa mga maling akala na ‘to. Alin kaya dito ang totoong naranasan mo?

  1. Akala mo may kausap ka pa, yun pala mag-isa ka ng naglalakad.
  • Ito na siguro ang pinaka palasak na maling-akala, yung naglalakad sa isang mall o sa palengke o sa park o sa kalsada o sa over pass o sa underpass o sa kahit sang lupalop pa yan, tapos ang saya-saya niyong nagkwekwentuhan. Tawa pa kayo ng tawa. Tuluy-tuloy ka lang sa pagsasalita pero nung hinihintay mo na ang reaksyon niya sa sinabi mo at nung wala ka ng marinig, nilingon mo na siya. At yun, muka ng isang babaeng hindi mo kilala at hindi mo maintindihan ang reaksyon kung nagulat o nagtataray. Nagpatay malisya ka nalang tapos pagtingin mo sa likod, andun pala ang loko mong kasama, nakatunganga at nakikiusisa sa kung anu mang bagay na pumukaw ng atensyon niya.

2.  Akala mo dala mo yung wallet mo, yun pala naiwan mo.
  • Ito yung tipo ng maling akala na nakakahiya talaga, lalo na kung wala ka talagang ibang pinaglalagyan ng pera mo kundi ang wallet mo at lalo na kung nasa bus ka o restaurant o convenient store o sari-sari store at nakain mo na yung binili mo. At ang masakit dito, mapagkakamalan ka pang miyembro ng mga taong may ganitong modus. Ikaw ang biktima, pero salarin ka sa paningin ng iba.

3.  Akala mo mamamatay ka na, pero hindi pa naman.
  • Ito yung maling akala na madalas madama sa twing nasa bingit ka ng kamatayan. Nangyayari ‘to kapag hindi mo ginamit yung overpass at tumawid ka sa hi-way tapos nakita mo, may kotseng paparating na hindi mo maisip kung saan galing, bigla nalang sumulpot. At sa hindi malamang dahilan e napako ang paa mo sa aspalto, yung tipong hindi makakilos, marahil dahil sa gulat at takot. Tapos naisip mo nalang, “ok, katapusan ko na.” Pero nagkamali ka, kasi biglang huminto ang kotse at nakatikim ka ng malutong na mura sa driver. Nakakahiya, pero atleast naman ligtas ka. Hindi lang sa kalsada madalas nangyayari ang ganitong maling akala, maaaring naranasan mo ‘to sa pool, sa dagat, sa eroplano, sa bus o sa kahit saang lugar na maaaring kahantungan ng huling sandali mo sa mundo. Kung sa bagay, ba’t ka nga ba hindi mag-aakala ng ganitong bagay, e hindi mo naman hawak ang ‘yong buhay.

4.  Akala mo nawawala ang cellphone mo, bulag ka lang pala.
  • Ito ang madalas maranasan ng mga taong wala sa sarili nila, makakalimutin, ulyanin at kung anu pa man ang gusto mong itawag sakanila. Ito yung nagpapanic ka na. Halos masira na ang bag mo sa kakahalungkat pero wala kang cellphone na makapa. At inanunsyo mo na sa mga kasama mo na nawawala ang cellphone mo. Sabi nung isa, “Hanapin mo lang, baka na-missplace mo”, yung isa naman, “Saan mo ba iniwan?”. Umabot pa sa puntong may pinagbibintangan ka na sa isip mo  kung sinong maaring kumuha ng cellphone mo, tapos maya-maya pagtingin mo ulit sa bag iyong bag, nandun pala sa kasuluksukan kaya hindi mo nakapa agad, o di kaya nandun lang pala sa isang lugar na pinagpatungan mo kanina. Pahiya ka tuloy konti, bukas bawi. Hindi lang limitado sa cellphone ang bagay na maaring akalain mong nawawala, pwede ring wallet o kahit anu pang mahahalagang bagay. Pero ayos rin lang naman mapahiya, ang mahalaga, hindi talaga ‘to nawawala.

5.  Akala mo tama ang spelling mo, mali pala.
  • Dito ako hindi sigurado kung naranasan niyo na, o ako lang ang tatanga-tanga na hanggang sa edad ko ngayun e may nadidiskobre pa kong mga bagay na akala kong tama yun pala mali. Madalas to sa spelling, grammar at kahulugan ng salita. Yung tipong alam na alam mong yun ang tama, tapos may magkokorek ng mali mong spelling o grammar o kahulugan ng salita. At dahil napatunayan mong mali ka nga, wala ka nalang ibang nagawa kundi tanggapin ang pagkapahiya at tumawa. Kasi nakakatawa naman talaga at nararapat na tanggapin nalang ang pagtama. Kasama talaga yun sa buhay. Saka kanya-kanyang katangahan lang tayo, walang husgahan, maling akala nga e.

6.  Akala mo maaga pa, yun pala tumigil ang relo mo.
  • Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit minsan badtrip ang araw ng isang emplaeyado o estudyante. Ikaw ba naman ang magmabagal pa sa kilos at maging kampante sa pag-aakalang hindi ka naman male-late, ayon sa orasan mo sa kamay. Pero mapapaisip ka sa pangalawang beses na pagsilip mo sa oras. Kasi nga naman, kahit nakalipas na ang mahabang mga minuto bakit parang ang aga parin? Dito ka na nagtaka at pinagmasdan maigi ang relo. At ayun nga, tumigil ang pinagkakatiwalaan mong orasan. Nang tanungin mo ang isang estrangherong malapit sayo kung anong oras na, napamura ka nalang sa isip. Oo, mahigit limang minuto ka ng late at medyo malayo ka pa sa destinasyon mo.

7.  Akala mo tama ang nasakyan mo, pero maliligaw ka na pala.
  • Ito yung hindi mo kabisado ang isang lugar pero dahil sa tawag ng pagkakataon e kinailangan mong byumahe mag-isa papunta sa lugar na wala kang muwang. Ayos naman sana ang lahat, pero ikaw kasi ang sumubok ng ibang ruta. Nagmagaling. Akala mo kasi lahat ng sasakyan e dadaan sa rutang nais mong puntahan. Pero nung napansin mong may mali na sa mga daang dapat ay madadaanan ng sinasakyan mo, dito ka nagtanong sa driver. Ayun, pumara ang dyip at bumaba ka, kasi mali ang sinakyan mo. O ngayon alam mo na, atleast hindi mo na masasakyan ang maling ruta.

8.  Akala mo tinitingnan ka nung katabi mo sa bus, yun pala sa bintana nakatingin.
  • Ito yung asiwang-asiwa ka, kasi ba naman yung katabi mo, walang tigil sa pagsulyap-sulyap sayo. Akala niya siguro hindi mo namamalayan, pero kitang-kita ng peripheral vision mo, tingin siya ng tingin sayo. Ipinakita mong naiirita ka na, kaya sa bawat pag lingon niya, nililingon mo na rin siya at sya namang lipat ng tingin niya sa ibang direksyon. Nung sa wakas ay nahuli mo siya, nakatingin naman siya sa bintana. Tumingin siya ulit, tiningnan mo siya, sa bintana ulit siya nakatingin. Sayang at hindi mo mahuli. Nung tumingin siya ulit, tiningnan mo din, at sa bintana pa rin siya nakatingin. Mga pitong beses siguro nagpa-ulit-ulit ang ganung scenario niyo bago pumasok sa isip mo na mali pala ang akala mo. Hindi ka niya tinitingnan. Yung tanawin sa labas ng bintana ang pinagmamasadan niya. Ikaw pa tuluy ang nagmukang wirdo sa kakatingin sakanya.

9.  Akala mo pinupormahan ka, hindi pala ikaw ang type.
  • Ito ang maling akala na pinaka masakit sa lahat. Kasi ba naman merong isang taong gumagawa ng paraan para mapalapit sayo. Interesado sa mga gusto mo. Interesadong makilala ka ng lubos. Humaba tuloy yung buhok mo. Idagdag pa na ipinapakita niyang espesyal ka sakanya, kaya eto ka kilig-kiligan sa taong pumuporma sayo. Todo kwento ka pa sa mga kaibigan mo, sabi mo may crush ka tapos may crush din siya sayo. Dumating pa sa puntong nakilala na siya ng mga kaibigan mo. Tapos sabi nila, “oo nga, may gusto rin siya sayo”, sabi ng isip mo, “alam ko”. Pero may isang pagkakataon na nagpatunay sayo na nagugunaw nga ang mundo. Ito yung noong ipinakilala niya sayo yung babaeng mahal niya. Nagunaw ang mundo mo. Sino ba namang magaakalang may mahal pala siya, e samantalang sayo lagi nakapokus ang atensyon niya, o akala mo lang pala. Masakit. Pero yun ang katotohanan sa mali mong akala.

10.  Akala mo maganda o gwapo ka, pero nakakatawa ka.
  • Ito ang maling akala na mahirap ipamukang maling akala pala at ito ang maling akala na sobrang nakakatawa para sa ibang tao. Kasi feel na feel niyang ang gandang nilalang niya, pero alam naman ng lahat ng may mata na maaaring nag-iilusyon lang siya. Kung magkwento ng mga taong di umano’y may gusto sakanya akala mo e kung sinong artistahin ang pagmumuka. At kung magkwento ng mga pangyayari sa buhay niya, talaga namang ang gandang nilalang niya. Sa mga gantong maling akala, dapat talaga tawanan nalang.

Maling akala. Siguro nga kasama rin talaga yan sa buhay. Ang mahalaga sa bawat maling akala, nalalaman nating mali ang ating akala. Edi kahit papanu ay naitatama at natututo tayo.

Maling Akala. Nakakatawa, at kung minsan, masakit din. Pero tawanan nalang natin.

Sunday, March 11, 2012

Mahal kita.

Mahal kita.
By: Shella Salud


Hindi ang pag-iwas o ang pag-layo ang basehan ng nadarama ng isang tao. Minsan, kahit lumalayo siya, gusto ka pala niya. Minsan naman lapit ng lapit sayo, pero wala naman talagang ibig-sabihin yun. E paanu? Saan mababase ang tunay na nadarama sa iyo ng isang tao? Sa salita ba? Kapag sinabi bang daretyahan, paniniwalaan na natin ‘to? Sa kilos ba? Yung tipong kapag gumagawa siya ng mga bagay para sa iyo? Hindi rin e, kasi maari naman may masabi ang isang tao dahil lang sa dikta ng pagkakataon at ‘di dahil yun ang tunay niyang nadarama. Hindi rin porket ginagawan ka ng mga bagay e dapat isipin mo ng may nararamdaman siya para sa iyo. Oo malabo, kasi hindi sa mga bagay na yun masusukat ang tunay nating nadarama.

Kung naranasan mo ng magmahal ng lihim, naiintindihan mo ang ibig kong sabihin. Kung nasaktan ka na dahil sa pag-ibig, mauunawaan mo ang gusto kong ipaliwanag. Kung nagmahal ka na, magkakasundo tayo ng ideya. Kasi ang totoo, walang basehan para sa tunay na nararamdaman sa iyo ng tao. Ang lahat ay nakasalalay sayo kung paano mo paniniwalaan ang nadarama niya.

Magkakaiba ang tao. Magkakaiba ng paraan kung paanu ipahayag ang sarili. Pero lahat marunong umibig. Yun nga lang magkakaiba ng personalidad. Kaya iba-iba ang pamamaraan. Kaya nagugulo ang sinasabi nilang basehan, na sa totoo lang naman, ay wala talagang basehan. Kanya-kanyang deskarte lang, at kanya-kanyang pagtanggap lang ng paniniwala. Kanya-kanya pagpili ng ilusyon o katotohanan.

Yun na siguro yung dahilan kung bakit magulo ang pag-iibigan at kung bakit may di pagkakaunawaan, kasi nga iba-iba tayo ng basehan. Yun na din siguro ang dahilan kung bakit kahit mahal niyo ang isa’t-isa e pinili niyo pa ring maghiwalay, kasi hindi mo maramdamang mahal ka niya kahit paulit-ulit niya pa ‘tong sabihin at kahit totoong mahal ka naman talaga niya. Pinagdudahan mo ang nadarama niya dahil hindi mo maramdaman ang pinagbabasehan mo ng salitang ‘mahal’. Ang totoo lang naman nun, magkaiba kayo ng paraan pero mahal niyo talaga ang isa’t isa.

Minsan naman hindi mo maamin ang tunay mong nadarama kasi sa tingin mo wala siyang gusto sayo. Lagi niyang iniiba ang usapan sa twing sinusubukan mong ipahayag ang nadarama mo. Kung minsan naman, waring iniiwasan ka niya. At dahil nga ganun ang ikinikilos niya sa iyo, ipinasya mo nalang na ilihim ang nadarama mo at ipag-sa-walang bahala nalang ito. Ang ‘di mo lang alam, lihim ka din pala niyang minamahal. Umiiwas siya dahil ayaw niyang mahuli mo na may nadarama siya para sa iyo, malay niya ba kung biro lang ‘yun. Ang hinihintay niya ay ang seryoso mong mga kilos upang makasigurado siyang totoo nga ang iyong nadarama at saka niya lang ipapahayag sayo na ganun din naman ang nadarama niya. Pero dahil nga ipinag-sa-walang bahala mo nalang sa pag-aakala ng maling akala, hindi natupad ang istorya ng pag-ibig niyong dalawa.

Pero ang masakit sa lahat, yung alam mong mahal ka ng taong mahal mo. Yung lahat ng ebedensya ay nandiyan at nagpapatunay ng nadarama niya. Masaya kang malaman, pero nakuntento ka nalang dun. Kuntento na alam mong mahal ka niya, at di na ginawang iparating din ang tunay mong madarama. Hindi mo ipinahayag na mahal mo din siya. Hanggang sa nagsawa siya. Sinubukan mo siyang pigilan upang manatili sayo. Pero nabulag na siya ng basehan niya at naniwalang wala ka ngang nadarama sakanya, kaya ba’t pa siya mananatili e ayaw na niyang umasa at masaktan. At kahit pa nga sa napipinto niyang paglayo, hindi mo pa rin sinabing mahal mo siya. Pinipigilan mo siya, pero hindi mo naman sinasabi ang salitang tunay na magpipigil sa pag-layo niya. At nung tuluyan na siyang lumayo, sinasabi mong sinaktan niya ang puso mo. Pero ang totoo, ikaw ang nanakit sa sarili mong puso at ikaw ang lubos na nakasakit sa puso niya.

Mahal kita. Sa paanong paraan mo ba gustong ipahayag sayo ang salitang ‘to?