Saturday, October 5, 2013

The Letter

(Ok, I can't believe I'm posting this on-line, but anyway, past is past and this might help someone out there. Sabi nga nila, "Experience is the best teacher." pero sabi ko naman, "Experience is a subject, and God is the teacher.")

Dear five-letter-name,

Una sa lahat, gusto kong malaman mo na nakokornihan ako sa ginagawa ko. Etong pagsulat sayo, sobrang ‘yucki-iww’. Iniisip ko pa nga lang na gagawin ko to, kinikilabutan na ko, ano pa kaya ngayon na ginagawa ko na.

Pangalawa, kahit labag to sa loob ko, ginawa ko, pero hindi para sayo. Para to sa sarili ko. Kaya wag ka masyadong ngumiti ng pagkalaki-laki dahil nakatanggap ka ng love letter galing sakin. Dyuskuporsantos, gumawa ako ng love letter?! Nakaka-iiwwww!! Pero tulad nga ng sabi ko, kelangan ko to gawin para sa sarili ko.

Pangatlo, gusto ko ibigay mo sana ang buong atensyon mo dahil ang mga susunod mong mababasa ay hindi mo na maaring itanong saakin sa muli nating pagkikita. Kung ako sayo, intindihin mo ng buong puso at namnamin mo dahil ito ang una at huling beses na sasabihin ko ang mga ito sayo. Ready ka na? Ako hindi pa.. Inhale, exhale.. Ok, basahin mo.

Ang totoo hindi ko alam kung paano sisimulan ang mga gusto kong sabihin sayo, sa sobrang dami kasi, hindi ko na alam kung saan sisimulan. Siguro para mas madali nalang at para di ka na mahirapan magbasa, isusulat ko na ng daretyahan…

Mahal kita.

Pero hindi kita mahal ng higit sa Diyos, dahil wala akong mamahalin ng higit sa Kanya. Kaya wag ka masyadong ma-flatter dyan ngayong alam mo na.

Matagal na kitang mahal, ewan ko lang kung napansin mo. Napansin mo nga ba? Nung una, ideni-deny ko pa yun sa sarili ko, kaya sa harap mo at sa harap ng ibang tao, wala akong ibang nararamdaman sayo kundi pure friendship.

Pero sobrang nabigatan na ko, hanggang sa inamin ko na din sa sarili ko na in-love nga ako sayo. Kasabay nun, gabi-gabi akong umiiyak sa Diyos. Tinatanong ko Siya kung bakit ikaw. Sa dinami-dami ng lalaking kilala ko at sa dinami-dami ng nagparamdam sakin, bat sayo pa ko nahulog? E hindi ka  naman talaga seryosong nagparamdam sakin.

At ang kapal ng mukha mo! Alam mo kung bakit? Kasi ikaw ang kauna-unahang lalaking nagpaiyak sakin ng ganun… Ikaw ang nagpatunay sakin na nadudurog talaga ang puso… Ikaw ang first heart break ko… Ikaw ang nagparamdam sakin ng matinding selos… Ikaw rin ang dahilan kung ba’t ako na-inspire magfasting, masasabi kong you led me closer to God. Nagkaron kami ng matinding closeness ni God dahil sa heart ache na ipinadama mo sakin. At dahil din sayo kaya ngayon naniniwala na ako sa ‘I love you, goodbye.’

Ang galing ko no! Kasi hindi mababakas sakin na nasaktan mo pala ko. Dapat alam mo na, I’m a girl with a pride higher than my height. Kaya nga di ko magawang maamin ang lahat ng to. Pero hindi ko man maamin, siguro naiparamdam ko naman, yun nga lang kontrolado pa rin. Yung tipong iisipin mong ginagawa ko lang yung mga bagay na yun kasi boybestfriend kita.

Totoo namang ikaw talaga ang BoyBestFriend ko. Pero mahal kita. At kahit nakikita mo  kong kasama ng ibang lalaki o nababalitaan mong may kasama akong iba, ikaw pa rin ang mas nakahihigit sakanila. Ikaw pa rin ang pipiliin ko, kasi nga ikaw ang mahal ko. Dito ko rin napatunayan na kahit ganu ka-gwapo at kahit sa pinaka-sweet pa na paraan magtapat sakin ang isang lalaki, walang dating.. walang kilig.. kung hindi naman ikaw ang gagawa nito para sakin.

Pero hindi mo naman yun gagawin, at lalo lang ako masasaktan habang tumatagal. Kaya nga sinubukan kong iwasan ka, alam kong naramdaman mo yun at ngayon alam mo na ang dahilan nun. Muka kasing masyado mo na kong nasasaktan, kaya habang mahal ko pa ang sarili ko, nilayuan na kita. Pero hindi naman kita natiis, hindi ko rin kinaya na iwasan ka ng tuluyan.

Hindi ko alam kung may magbabago satin ngayong alam mo ng mahal kita. Pero kung may magbago, lumayo ka nalang ng tuluyan. Kasi kahit mahal kita, kaya ko pa rin mabuhay ng wala ka. At kung hindi na tayo mananatili sa ganitong closeness dahil sa pag-amin ko, mas mabuti pang maglayo na nga lang tayo. Kesa naman masaktan mo nanaman ako. Siguro malulungkot ako sa sa umpisa, pero alam kong alam mo na marunong ako maging masaya. Kaya magiging ayos lang ako. Wag mo kong intindihin. Isa pa, I have God. J

Yun lang.




Bahala na kung mag-uusap pa tayo ulit, pero hanggang sa muling pagkikita,
GirlBestfriend


No comments:

Post a Comment