Showing posts with label tagalog. Show all posts
Showing posts with label tagalog. Show all posts

Monday, February 24, 2025

Para Kay Bob Ong at sa Masugid na Tiga Basa ng mga Sinauna Kong Blog

Kamusta ka na Bob Ong? Dekada na din ang lumipas mula nung mabalitaan kong may bago kang librong isinulat. Nagsusulat ka pa ba? Namimiss ba kita? Oo, naman. Ikaw kaya ang nagudyok sa akin na posible pa lang maging manunulat kahit hindi nakapaloob sa teyoryang itinuturo sa literatura. Magsulat ka kung paano ka magsalita, parang ganun. 'Di mo kailangan pekein ang personalidad ng paglalahad mo ng istorya, parang ganun. 

Anyway, hindi naman ako sumulat para lang kamustahin ka kasi malabo namang sumagot ka at malaman ko ang kalagayan mo. Pero, gusto ko lang malinawan at masiguro sa sarili ko na hindi naman siguro madumi ang isip ko no... Pero kasi, pareho ba tayu ng iniisip dito? 👇


Dahil ito ang pinakapaborito kong libro mo, binasa ko ulit. Ngunit ngayon, may mga detalyeng kagaya niyan, na ngayon ko lang naunawaan ang subtle meaning, kung meron man. Pero sinadya mo 'yan. Please,aminin mo. 😅 Marahil nga ay hinulma na ng panahong lumipas ang aking pag-iisip kaya kung ano-ano na ang napapansin. 😅

Hindi ko pa tinatanong ang iba kung anong palagay nila diyan sa talata na 'yan. Dumeretso ako sa'yo, sa may akda. Kahit alam kong 'di naman aabot ang liham na ito sa iyong lingid.

At sa'yo na masugid na humahalungkat ng aking mga panunulat. Ikaw naman ang pangalawa kong tatanungin... Anong naunawaan mo sa talatang iyan 😅? Nagpapasalamat na din ako dahil dahil sa'yo, nanunumbalik ang paghanga ko sa sarili ko sa mga nailalabas kong salita/talata/pag-iisip sa pamamagitan ng pagsusulat. Parang pwede kong sabihin, "I was a good writer 10 years ago." Pero hindi ko 'yun alam 10 years ago. Ngayon ko lang naappreciate na talaga palang may potential ang mga sinusulat ko.  Tama lang palang inilathala ko ang mga iba kong panunulat dito sa world wide web.

At sa mga hindi naniniwala sa akin, pasensyahan tayo, patuloy akong magsusulat. ðŸĪŠ Magsusulat na lang ako ng magsusulat kesa maging decipherer. Kaso, bakit ganun, kahit ayokong magdecipher kusa itong inihahain sa aking harapan. Pero, hindi na nga ako magdedecipher, isinusuko ko na. 'Ba naman the last time I did, saan ba ko pinulot at nakarating? Tulad nitong, liham kong 2in1, kung san-san na nakarating.

O siya, iiwan ko na lang ang isa sa remarkable lines ng kwentong ito. Halos ang buong istorya naman ay remarkable. Kaya nga paborito ko ito, ngunit kung hihingi man ng remarkable line, isa ito 👇 (Hanggang sa muli, Shalom)

"Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan...



Sunday, August 4, 2019

I Don't Love You Like I Did Yesterday (Acoustic Cover)

I Don't Love You Like I Did Yesterday 

This is not even an amateur version. I saw a friend's post with a very good version of this song which made me browse the net for it chords and yep, now I have uploaded my own version here.

Disclaimer: Hindi ppa din ako sangayon sa mga ganitong klaseng pag-ibig. Kapag nagmahal kayo, both of you should make it last. 

Wednesday, July 31, 2019

Kamusta Passion Mo?



Minsan pagod na 'ko makibahagi patungkol sa topic na 'to. Pagod na kong magbigay ng opinyon at ipalaganap na sa buhay dapat ipinaglalaban mo ang passion mo.

Kasi hindi madali. Baka gumagawa tayo ng "make believe" sa mga tao lalo na sa kabataan tapos sa huli madidismaya lang sila.

Kasi kahit ako dumating na sa puntong tinalikuran ko na yung passion ko dahil tingin ko, wala naman pinapatunguhan. Kailangan ko tumanda. Nandyan ang mga obligasyon na dapat punan; responsibilidad na dapat tugunan. Hindi na kasi tayo bata na meron gagamot ng sugat kapag nadapa; merong sasalo sa t'wing mahuhulog. Hindi ka na bata na laging inaalalayan. Kailangan mo tumayo sa sarili mong paa at para mangyari 'yun may mga bagay kang dapat bitawan katulad ng paghabol mo sa itinuturing mong passion.

Pero alam mo kung anong nakakatawa, kasi kahit sinukuan mo na ang passion mo hindi ito titigil na ipaalala sa'yo kung ano siya sa'yo at kung gaano mo siya minahal o minamahal kasi kahit tinalikuran mo na ito hindi naman ibigsabihin nun na tumigil kang mahalin ito. Kahit anong mangyari karugtong mo na ito; nasa iyo ito. Na may dahilan kung bakit inilagay ng Diyos 'yang bagay na 'yan sa puso mo. Huwag ka sana mapagod manalangin para dito dahil maniwala ka, hindi ka pababayaan ng Diyos. At sana kung hindi ka na naniniwala sa passion mo, wag ka tumigil maniwala na may plano ang Diyos sa buhay mo.

Hindi ko alam kung tama pa rin bang sabihin sa panahon ngayon na gawin mo ang passion mo. Pero ang alam ko, kahit hindi 'to sabihin manunumbalik ito sa'yo at nasa iyong desisyon kung ipaglalaban mo ito ngayon. At kahit hindi mo ito ipaglaban, manunumbalik pa din ito at nasa iyo pa din ang desisyon kung papansinin mo. Paulit-ulit itong babalik at paulit-ulit kang magdedesisyon.

Saturday, June 22, 2019

Dalawang Sentimos ko sa Hindi Na Nga ng This Band

Kaya siguro dumadami ang broken family, broken relationship kasi mas nasesensationalized yung ganitong klaseng anggulo ng love story.

Huwag mong boyprinen o girlprinen o pakasalan kung based lang sa nadadama mong "love" ngayon ang dahilan. Instead, alisin mo yung "love" na 'yan na nadarama mo at tanungin mo ang sarili mo kung pipiliin mo pa din ba siya anuman ang mangyari?

Truth be told, kabataan, we will fell out of love 'dun sa taong sinasabi mong mahal mo, but we can fall in love again if you work things out. It's a cycle: love, courtship, marriage, and you must both remain committed and faithful. Cycle sa same person you're in a relationship. Hindi 'yung kapag 'di ka na kinikilig, 'di mo na mahal, 'di ka na naarouse, iiwan mo na, iba naman. Kaya nga may kasabihan sa mag-asawa na dapat araw-araw magligawan kasi the spark will naturally disappear if not ignited.


Kaya kung hindi naman siya yung nakikita mong kaya mong panindigan kahit 'di na siya kamahal-mahal. 'Wag mo na jowain. 'Yun lang, nainis lang ako sa nampoprovoked na kanta pero, 'di ko sinasabing 'di maganda 'yung kanta nila.

Thursday, November 24, 2016

Si Marcos at ang LNMB.





At isa pa, sa pagkakaalam ko hindi naman lahat ng nililibing sa LNMB e bayani. Sundalo, Presidente ang mga andun. E ano ba si Marcos, hindi ba't naging sundalo siya at Presidente?

Ang alam ko, hindi naman siya pinarangalan, inilibing lang siya. Yun nga lang ang pangalan ng hantungan niya ay Libingan Ng Mga Bayani, pero that doesn't make him a hero. Parang ganto, tubong Bulacan ka, tapos tumira ka sa Cavite. Hindi porket tumira ka sa Cavite e Kabitenyo ka na, Bulakenyo ka pa rin at dala-dala mo na yun kahit na nasa Cavite ka pa. Just like Marcos. Ang paglibing sakanya sa LNMB ay hindi nagbubura ng katotohanang naging diktator sya.


So anong ipinaglalaban ng mga anti?

Masakit? Mas masakit hindi maglet go at manatili sa poot ng kahapon. Nangyari na ang nangyari. Paulit-ulit nyo lang binabalikan. Parang yung patuloy na pagtingin mo sa profile ng ex mo; parang yung patuloy na pagbabackread mo ng mga conversation nyo sa text. Patuloy mo lang sinasaktan ang sarili mo.

Hindi pa sila bayad sa utang? inibing lang naman siya, hindi kasamà ang mga utang niya. O di sige, pagpatuloy nyo ang pagbawi ng mga sinasabi nyong ninakaw sa bayan sa naiwan nyang pamilya. E bat kinokontra nyo pa ang paglibing sa LNMB? Pag di ba sya nalibing dun mababayaran nya utang nya?

Hindi nyo sya mapatawad? Edi wag nyong patawarin kung yun ang gusto nyo. Anong konek nun sa paglibing sakanya sa LNMB? Hindi naman simbolo ng pagpapatawad ang paglibing sakanya sa LNMB. Baka kayo lang ang nagbibigay meaning. Parang yung pagiging sweet nya sayo, baka nilalagyan mo lang ng ibigsabihin pero wala naman talaga.

Hindi ako pro o anti Marcos, ang opinyon ko ay base sa logical truth. Ayoko sana makisali sa kali-kaliwang post patungkol dito sa isyu na to, pero ang dami yatang kelangan maliwanagan. Inuulit ko, hndi ako pro o anti Marcos. Pro-truth ako.

P.S. Yung kinaiinisan nyo patay na, kayo inis na inis pa din. Parang ganto, ung ex mo may bago na, ikaw in love pa din sa kanya.

Friday, April 18, 2014

Para Kay Ingkong

This poem was made especially for my dearest friend Ingkong, but no, we don't love each other in a romantic way, and it will never be in that way. :) But I love him, and it's a different kind of love; love that is greater than a friend but not greater than the love I have for my future husband. :)

I made this during those times he felt bad and unwanted because his heart got broken, but I forgot to present this poem to him. I told him I made him a poem but I always forget to bring it with me whenever we meet. And now, he's been facing this kind of ache again; for the same reason and with the same person. And that made me remember this poem, but since we don't have time to see each other, I decided to post it online instead.

So here it is.. :)

Para Kay Ingkong
July 2, 2012

Hindi ko hahayaang ika'y mawala,
Sa aking buhay ay mananatili ka,
Hindi ka matutulad sakanya,
Ang istorya nati'y magiging iba.

Ingkong ika'y aking pahahalagahan,
Iingatan at pagkakatiwalaan
Ngunit ang istorya nati'y magiging iba
Hindi tayo mahuhulog sa isa't isa.

Maaring espesyal ka sa lahat ng kaibigan
Ngunit hindi tayo mag-iibigan
Maaring mahalin kita higit sa kaibigan
Ngunit mananatili tayong magkaibigan kailanman.

Sisiguraduhin kong hanggang wakas,
Mananatili akong Basyang mong wagas,
Hindi ka iiwan sa bawat bukas,
Pwera nalang kung ikaw ang lalayas.

Kaya Ingkong sa 'twing ika'y nalulungkot,
Tandaan mong may Basyang na nangungulangot
Papahiran ang 'yong luha, may kasamang kulangot.
Kaya kung ako sa'yo, hindi na ako malulungkot.



Ingkong, smile ka na! :)

Monday, January 27, 2014

Para sa mga Badtrip

Sabi nila wag daw umpisahan ang linggo ng mga bagay na hindi mo ikakatuwa – in short, wag kang mabadtrip ‘twing Lunes.

Madaling sabihin pero mahirap gawin, lalo na kung hindi mo naman kontrolado ang mga bagay na nangyayari. Hindi naman pwedeng pumasok sa time space warp at alisin ang lahat ng mga bagay at mangyayri na ikakainis mo. Kung pwede lang, edi happy ang buhay. Pero hindi, unang-una walang nag-eexist na time space warp. Kung meron man, paki-post naman sa Facebook ko kung san makikita. Oo, interesado ako.

Lunes ngayon, at oo, badtrip ako.

Badtrip ako hindi dahil trapik, hindi din dahil sa mapanlait kong kapatid, badtrip ako dahil naubos na ang pasensya ko. Kung sinabi ni Angelica ang linyang “Ang pera natin hindi basta-basta nauubos, pero ang pasensya ko, kunting-konti nalang!”, eto naman ang linya ko, “Ipaglimos mo nalang ako ng pasenysa, kasi inubos mo na!”

Ayoko naman talaga mabadtrip, haler sino bang may gusto? Sino bang may gusto na maapektuhan ang buong araw ng pagkainis. Sino bang may gusto na mag-fake ng smile at tawa para lang hindi manmadamay ng ibang tao sa pagkainis. Pero sa ngayon, bukod sa pananalangin, yun lang ang paraan para makaiwas sa lalong paglala ng inis na nararamdaman ko.

At kapag alam mong ganun ang pinagdadaanan ng isang tao, hayaan mo lang siya. Hayaan mo siyang manamnam ang lasa ng tumataginting na pagka-badtrip. Subukan mo siyang patawanin, pero hayaan mo din siyang mapag-isa. Hindi naman siya habang buhay badtrip, ngingiti din yan at tatawa ng bukal sa loob, hindi lang ngayon.

At please, wag na wag niyo munang sasabihin na ‘wag magpapaapekto sa mga bagay na ikasisisra ng araw’. Maniwala ka, alam na niya yun, at kung kaya niya hindi magpaapekto, kanina niya pa yun ginawa. Pero dumarating naman talaga sa lahat ng tao yung puntong inis na inis ka talaga, kaya alam kong mauunawaan niyo siya. Kung hindi mo siya naiintindihan, halika dito at babadtripin kita, baka lang kasi hindi mo pa nararanasan.
photo credit: memegenerator.net


At para sa mga badtrip dyan: inhale, exhale, smile. Alam kong mahirap ang magpanggap pero mas mahirap ang buong araw na nakabusangot ang mukha at inaaway ang lahat ng tao sa paligid. Pwede namang mabadtrip na kalma lang. isipin mo nalang din na training yan sa ikabubuti ng pagkatao mo. At tanggapin nalang natin ang katotohanang walang totoong time space warp, ang meron tayo ay Diyos na magpapagaan ng mabigat na kalooban na nadarama natin ngayon. J

Sunday, September 15, 2013

Ang Hiwaga ng Paninisi

“I am confident, but i still have my moments, baby.. that's just me. I'm not a super – “ Iyan ang nakakairitang kanta na gamit kong ringtone sa alarm ng cellphone ko. Effective naman, napapabangon talaga ako kagad para lang patayin ang tunog. Kaya lang, babalik ulit ako sa pagkakahiga, at magugulantang nalang sa makikiatang oras sa muling pagmulat ng mata.

Maliligo, magbibihis, mag-aayos at hindi na magagawang kumain dahil late na. Magmamadali sa paglalakad, at may mga taong mababangga. Mag-aabang ng sasakyan, pero lahat ng jeep puno. Kung kelan ka nga naman nagmamadali, dun pa walang masakyan. Ang aga-aga pawisan na ako, dahil kinailangan ko pang pumila ng halos isang kilometrong layo para lang makasakay sa jeep.

Pagdating ng opis, late at ni-hindi magawang ngumiti. Haggard na mainit pa ang ulo. At may madadamay nanaman sa dreadful journey ng umaga ko. Maya-maya lang, may matatarayan ako.

Ganyan lagi ang nangyayari sakin nitong mga nakaraang araw. Syempre, badtrip yun! At oo, ang aga-aga, stress kaagad ako. Pero sino bang sisihin ko? Yung alarm clock? Kahit na ginawa naman niya ang parte niya?

Aminin niyo man o hindi, katulad ko, kapag merong kapalpakang nangyayari, hahanap at hahanap kayo ng isang bagay na masisisi maliban sa sarili niyo.

Sige isisi natin ang lahat sa maling sistema, sa gobyerno, sa buhol-buhol na trapik, sa kakaunting jeep, sa babaeng nakabangga mo sa daan, sa aso na tumatahol, sa chewing gum na dumikit sa pantalon mo, sa pusang itim na nakatingin sayo. Sige lang, isisi natin ang mga nangyayaring kapalpakan sa kaninoman at anuman. Pero sa huli, hindi naman natin maloloko ang sarili natin. Dahil sa likod ng kaibuturan ng ating pag-iisip alam natin na resulta lang ang mga ito ng maling desisyon natin. Pero dahil sa kagustuhan nating gumaan ang ating loob, pinapaniwala nating maging ang ating sarili na wala talaga tayong pagkakamali, dahil nga may maling sistema, may mali sa pamamalakad ng gobyerno, may trapik at kung ano-ano pa.

Libre lang naman ang manisi at hindi naman ito bawal. Pero naisip ko lang, hindi ba’t mas nakakagaan ng loob kung pag-iisipan natin ang puno’t dulo ng pangyayari; kung bakit may ganung resulta; kung paano maiiwasang mangyari ulit ang kapalpakang nangyari.

At sa maniwala kayo’t hindi, kahit gaano niyo ipaligoy-ligoy ang sisi, sa huli sarili mo lang ang puno’t dulo. Bakit hindi nalang natin tanggapin at gamitin iyon para lumago at matuto?

Oo, libre lang manisi. Pero kahit gaano ka manisi at kahit gaano pa karami ang iyong sinisisi, hindi ka uunlad dito.