Monday, November 23, 2026

Remarkable Part: Si by Bob Ong

Ito 'yung klase ng read na parang sumakay ka sa Anchor's Away ng Enchanted Kingdom. Sa una, malumanay, sa mga sumunod pang chapters, chill lang. Tapos, nagulat ka na lang ang taas na bigla ng emosyong binibigay sa'yo.

Hindi mo na rin magawang mabitawan ang libro.

Pero, aaminin ko, tumigil ako sa part na na-coma si Vicotria. Kasi ka-tema niya pala 'yung ginagawa ko pa lang na istorya nu'n -- The Glitch, na ngayon ay tapos na at published na sa wattpad. Nahiya rin ako kay Bob Ong n'un, kasi sino ba namang 'di maniniwalang 'di ko ginaya ang istorya niya gayung nauna niya ipublish 'yung Si. So, itinigil ko ang pagbabasa, tinapos ko muna ang The Glitch although matagal ko naman na din alam paano matatapos, kailangan ko lang isaletra. (Comment lang kayo kung gusto niyo mabasa, bigay ko link. Anyway, balik tayo sa Si.)

(Warning: spoiler ahead) Bumalik ako sa pagbabasa ng Si at short portion lang pala ng istorya 'yung natulog ng isang taon si Victoria. Pero may mga ilang bagay pa ring ikinapareha sa The Glitch. Natatawa na lang ako at naiiling, kahit anong iwas ko na 'wag maging magkahawig ang istorya ko sa Si may dumaplis pa din. Kaya patawad, Bob Ong, pero sana maniwala kang wala akong ginaya, kahit ikaw na lang maniwala at magduda na ang lahat. (Baka sakaling mabash ang The Glitch sa future, nandito na ang sagot ko 😅)

Ito na siguro 'yung pangalawang libro na paborito ko na gawa ni Bob Ong. At matapos ang ride ko sa Anchor's Away, naiwan akong parang hilo o wasak o kinukwentyon ang mga desisyon ko sa buhay na pinagsasama lahat sa iisang pakiramdam.

Nakakatawa pa siya, e. Lalo dun sa part ni Carmen. Pati 'yung mga comedic scene nung narrator with Victoria. Pero, wasak ako sa huli. Hindi lang 'to simpleng kwento o panawagan laban sa abortion. Isang parte lang siya, pero oo, ito 'yung pinakamahalaga. Kasi 'yung nilalaman mismo nagturo ng aral para sa buhay, sa pag-ibig, sa pagpapatuloy. Nakita natin 'yung isang mundo, isang magandang mundo kahit hindi perpekto. Hindi lang isang buhay, hindi lang dalawa, hindi lang isang pamilya. Hay, ang bigat. 

Pero share ko na din 'yung part na nakakatawa pero nakaka-sympathetic pa rin para magaan kong maisara itong blog post (muli, patawad sa kung paano ko nabasa ang Si):