Sa higit tatlong dekada kong pag-iral sa mundo, tatlong beses ko pa lang nakitang naibalita ang aking bayan sa telebisyon. Una, nung nagka-oil spill, pangalawa, nung tinapang salinas festival, pangatlo, ang lantarang pamumulitika na ginagawa nila ngayon sa Alkalde ng Bayan.
Hindi ako panatiko, at lalong-lalo na hindi ako konsitidor. Lumalagay at pumapanig ako sa alam kong tama, kahit pa maisasakripisyo ang relasyon sa taong ike-call-out ko. Pero may mga pagkakataong tumatahimik na lang ako dahil minsan, hindi naman kailangan manggaling sa atin ang opinyon para maituwid ang mga mali. Pero, iba ngayon, kailangan kong bumoses dahil may mga nasa kapangyarihan na nandudurog dahil lang nasa.kapangyarihan sila ngayon.
Naibalita ng kung ano-anong news outlet ang bayan ng Rosario, Cavite. At sa panahon ng social media, napakaraming boses ang gusto sumabay. Sino nga ba namang hindi magagalit na ang isang public official ay 'di umano'y pumasok sa casino, gayung ang pagtungtong pa lang duon ay violation na tas tumaya pa daw ng 30K at nanalo ng 10K. Sumisigaw ng mga negatibong komento ang tax payers karamihan mga tiga-ibang bayan. Pero, sisigaw din pabalik ang mga tiga-Rosario. Bakit? Ito, ilalatag ko.
1. Mahal ng taong-bayan ang Ricafrente na siyang nagpa-unlad, gumabay, at may mga programang ramdam ng kahit sinong mamamayan sa bayan.
2. Kumpleto ang social services dito. Sa katunayan, mula ipinagbubuntis pa lang hanggang kamatayan, lahat mailalalapit mo at mabibigyan ng assistance.
3. Dahil alam ng mga tiga-Rosario na ang mga nasa puwesto ngayon ay ang mga matagal nang nagnanais na makapasok sa bayan kaso hindi nila magawa-gawa dahil masyadong malakas ang mga Ricafrente. In short, hindi sila makapagpasok ng pawn. Gaano, kalakas ang Ricafrente? Simple lang, pag-inendorso niya ang ang isang politiko sa bayan, national level man ang kandidatura, nanalo sa Rosario.
4. Hindi korap at kung totoo mang tumaya siya hindi kasama dun ang tax na ibinayad mo. Kung korap siya, hindi siya ipagtatanggol ng taong-bayan.
5. Dahil nakaka-trigger naman talaga na magpo-focus kayo sa sinasabi niyong tumaya ng 30K tas hindi masampahan ng kaso ang mga garapal na talamak kung mangorap ng kaban ng taong-bayan.
6. Dahil kita ng mga tiga-Rosario ang pagiging bias ng mga nasa taas kabilang na ang ilang news outlet na hindi mailabas ang balita tungkol sa 'di umano'y marijuana. E pareho naman 'yung "'di umano".
7. Dahil kung sino pa ang maganda ang pamamalakd at may tahimik na bayan sila pa ang kakantiin dahil lang hindi nila masakop.
Pwede ko pang pahabain ang bilang na 'yan kaso iwan ko na ang iba sa inyo para magresearch para naman bago tayo magkomento, armado tayo ng tamang impormasyon.
Hindi ko sinasabing perpekto ang aming bayan o ang liderato nito. Sinasabi ko lang na may bigger picture at tinutulungan ko lang kayo makita ang laro nila.
Kung pati ang Ai nakikita ang pamumulita, ikaw pa kayang may utak na hindi artificial.









