Tuesday, October 27, 2026

Proof of life: Teach them while they're young (Earthquake Drill)

At dahil wala nga akong social media, dito na lang ako sa blogsite kong ito mag-a-upload ng makabuluhang activities sa buhay ko.

Pero mas para sa akin ito, para hindi ko malimutan ang mga ganitong bagay, kasi obviously, kung para sa iba, sino ba namang pupunta pa sa blogsite ko para lang makakuha ng update. Meron siguro, 'yung mga totoong naghahanap sa akin at gustong kamustahin ang kalagayan ko, at kung sakaling ikaw 'yun, 'yung number ko naman ay active sa whatsapp at viber. Gusto ko rin malaman kung kamusta ka na. 

Anyway, I was grateful na naging kabilang ako sa gawaing ito na pangunahan ang earthquake drill ng isa sa mga daycare sa munisipalidad namin. Mahalagang alam na nila at a very young age ang mga dapat gawin kung maranasan nila ang mga kalamidad katulad ng lindol.

And here I am sharing the photos (with parent's consent):