Monday, May 18, 2026

Kwento mo sa Pagong: Wealth, Fame, Power

Kung meron man magandang naidulot ang advancement of technology ngayon partikular sa kakayahayan nito pagdating sa online connection, isa siguro sa top list ko ay ang pagkakaroon ng pagkakataon makamtan ng kung sinuman ang kayamanan, katanyagan, kapangyarihan. 

Iba't ibang online platform ang nag-ooffer sa'yo ng tatlong bagay na ito, na para bang sinasabi nila "ikaw ang bahala sa trip mo, ikaw din ang gagawa ng paraan para makamtan 'yang tatlong K, basta gawa ka account sa amin".

Tumataas siguro ang kilay mo at napapatanong na bakit maganda ang tingin ko sa bagay na ito. Isa lang ang sagot, "kalayaan sa sistemang nagkukulong sa mga maliliit na tao".

Dati, kung sino lang ang gusto pasikatin ng mga producers o ng mga matataas na tao, sila lang ang binibigyan ng mga pagkakataon. Ngayon, ang daming nagsisikatan na mga bagong pangalan lalo na sa larangan ng OPM. Grabe, ang dami palang totoong talentadong Pilipino na nakakagawa ng mga ganuong klaseng awitin na madalas ay sila mismo ang sumulat. Mga makakatang mang-aawit. 

Dati, TV, Radio, at Newspaper lang ang nakakahakot ng advertisement o product endorsement, ngayon, kahit mga simpleng tao na kung tawagin ay vlogger/blogger/content creator na madadami ang followers. At take note ha, pagkakagaling din naman magsi-arte at magpatawa. At ngayon, ang mga mass media na nga mismo ang kumukuha sa kanila para makahatak ng viewers o advertisement.

Dati, pwede pang ikulong ng mass media sa sistemang mga malalaking tao lang ang nagpapatakbo ang creativity ng bansa. Ngayon, hindi na. May kalayaan na ang kahit sino makamtan ang tatlong K, hindi mo kailangan lumapit sa kung sino. Madalas nga ngayon, sa mga trending sa social media na kumukuha ng maipapalabas ang mass media.

Maging sa pagpapublish ng mga nobela o kwento, hindi na kailangan makipagpatintero sa "taste" ng mga publisher o pamantayan nila para ilathala ang kwentong mayroon ka. Madaming platform online na pwede maging daan para maihatid mo ito sa mga mata ng publiko. Sa wattpad lang, ang dadaming writers ang kinilalang magaganda ang kanilang mga akda. Kung hindi man pagkilala ang aim mo, kundi magbahagi lang ng kwento, madali na itong makamtan, may kalayaan kang i-post ito.

Kaya kung may mga kanta kang nais iparinig sa publiko, i-post mo sa YouTube o Spotify. Kung may art kang nais ishare, i-post mo lang. At kung tyatyagain mo, baka palarin kang makamtan ang tatlong K. At kung makamtan mo man, nawa'y gamitin mo sa tamang kalayaan.

Ganun din ang payo ko, kahit hindi mo nais makamtan ang tatlong K, ishare mo lang ang art at creativity mo, kailangan yan ng mundo o kahit sa rasong kailangan yan ng sarili mo. Binigyan na tayo ng pagkakataon na kumawala sa nagkulong na sistema sa atin nang ilang dekada sa pagpapahayag ng creativity, gamitin natin nang tama.

Thursday, May 7, 2026

Kwento mo sa Pagong: Kafka

For the past recent years (tama bang pinagsama ko 'yung past at recent πŸ˜†) naging matunog sa feed ko si Kafka, kesyo nakakatrauma daw 'yung mga naisulat at magmumulat ang nga ito sa iyo sa perspektibong pagdududahan mo ang kasalukuyang reyalidad. Kahit paulit-ulit siyang dumadaan sa feed ko, hindi pa ako nagkakalakas ng loob na subukan magkaroon ng mga likha niya. Baka hindi ko pa kaya, sabi ko sa sarili ko.

Tapos, nabasa ko sa feed ang "metamorphosis" patungkol sa isang lalaki na naging insekto, na sulat daw ni Kafka. 

Natawa ako.

Alam ko 'yung kwentong 'yung pero 'di ko alam na tama pala ang pagkakaunawa ko. Nabasa ko ito, I think latter years ng elementary o early HS. Sabi ko, tama ba pagkakaunawa ko sa binabasa ko? Takang-taka talaga ako sa istoryang binabasa ko na isang lalaki nagising na kakaiba na ang katawan, pinagdudahan ko ang sarili ko na kako mali ang reading comprehension ko πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ kasi parang sa naalala ko, ni hindi nagulat o naging concern yung pamilya niya sa pagbabagong anyo niya. So most probably mali ang reading comprehension ko πŸ˜‚Nagtanong o tiningnan ko pa ata sa diksyunaryo ang ibigsabihin ng metamorphosis.

Fast forward, adult na ako. Ngayon na lang ulit narinig ang "metamorphosis" at ngayon ko lang nalaman na nakabasa na pala ako sa isa sa mga likha ni Kafka. Natatawa din ako, dahil feeling ko, mahal ang mga libro ni Kafka, pero bakit available ang kwentong 'yun sa bahay namin nung bata ako?

Ganuon nga katindi ang mga likha ni Kafka, sarili mong reyalidad ang pagdududahan mo, in my case ang kakayahan ko umunawa ng english story. πŸ˜‚

Pero ngayon, siguro dahil sa tama pala ang pagkakaintindi ko sa kwento ng metamorphosis, alam ko na ang ipinararating nito, o baka hindi pa rin. Kasi parang ang daming alalahanin nung lalaki kesa sa mas dapat niyang problemahin ang pagbabagong anyo niya. Dapat iniisip niya paano siya makakabalik sa dati niyang form tas magpalit ng bago g pamilya πŸ˜‚ o mamuhay na lang mag-isa at wag na balikan ang walang amor niyang pamilya. O baka, kailangan ko nang basahin iyun ulit para mas lubos na maunawaan.

'Yun lang.