Tapos, nabasa ko sa feed ang "metamorphosis" patungkol sa isang lalaki na naging insekto, na sulat daw ni Kafka.
Natawa ako.
Alam ko 'yung kwentong 'yung pero 'di ko alam na tama pala ang pagkakaunawa ko. Nabasa ko ito, I think latter years ng elementary o early HS. Sabi ko, tama ba pagkakaunawa ko sa binabasa ko? Takang-taka talaga ako sa istoryang binabasa ko na isang lalaki nagising na kakaiba na ang katawan, pinagdudahan ko ang sarili ko na kako mali ang reading comprehension ko 😂😂😂 nagtanong o tiningnan ko pa ata sa diksyunaryo ang ibigsabihin ng metamorphosis.
Fast forward, adult na ako. Ngayon na lang ulit narinig ang "metamorphosis" at ngayon ko lang nalaman na nakabasa na pala ako sa isa sa mga likha ni Kafka. Natatawa din ako, dahil feeling ko, mahal ang mga libro ni Kafka, pero bakit available ang kwentong 'yun sa bahay namin nung bata ako?
Ganuon nga katindi ang mga likha ni Kafka, sarili mong reyalidad ang pagdududahan mo, in my case ang kakayahan ko umunawa ng english story. 😂
Pero ngayon, siguro dahil sa tama pala ang pagkakaintindi ko sa kwento ng metamorphosis, alam ko na ang ipinararating nito, o baka hindi pa rin. Kasi parang ang daming alalahanin nung lalaki kesa sa mas dapat niyang problemahin ang pagbabagong anyo niya. Dapat iniisip niya paano siya makakabalik sa dati niyang form. O baka, kailangan ko nang basahin iyun ulit para mas lubos na maunawaan.
'Yun lang.
No comments:
Post a Comment