Sabi nila wag daw umpisahan ang linggo ng mga bagay na
hindi mo ikakatuwa – in short, wag kang mabadtrip ‘twing Lunes.
Madaling sabihin pero mahirap gawin, lalo na kung hindi mo
naman kontrolado ang mga bagay na nangyayari. Hindi naman pwedeng pumasok sa
time space warp at alisin ang lahat ng mga bagay at mangyayri na ikakainis mo. Kung
pwede lang, edi happy ang buhay. Pero hindi, unang-una walang nag-eexist na
time space warp. Kung meron man, paki-post naman sa Facebook ko kung san
makikita. Oo, interesado ako.
Lunes ngayon, at oo, badtrip ako.
Badtrip ako hindi dahil trapik, hindi din dahil sa mapanlait
kong kapatid, badtrip ako dahil naubos na ang pasensya ko. Kung sinabi ni Angelica
ang linyang “Ang pera natin hindi basta-basta nauubos, pero ang pasensya ko,
kunting-konti nalang!”, eto naman ang linya ko, “Ipaglimos mo nalang ako ng
pasenysa, kasi inubos mo na!”
Ayoko naman talaga mabadtrip, haler sino bang may gusto? Sino
bang may gusto na maapektuhan ang buong araw ng pagkainis. Sino bang may gusto
na mag-fake ng smile at tawa para lang hindi manmadamay ng ibang tao sa
pagkainis. Pero sa ngayon, bukod sa pananalangin, yun lang ang paraan para
makaiwas sa lalong paglala ng inis na nararamdaman ko.
At kapag alam mong ganun ang pinagdadaanan ng isang tao,
hayaan mo lang siya. Hayaan mo siyang manamnam ang lasa ng tumataginting na
pagka-badtrip. Subukan mo siyang patawanin, pero hayaan mo din siyang
mapag-isa. Hindi naman siya habang buhay badtrip, ngingiti din yan at tatawa ng
bukal sa loob, hindi lang ngayon.
At please, wag na wag niyo munang sasabihin na ‘wag magpapaapekto
sa mga bagay na ikasisisra ng araw’. Maniwala ka, alam na niya yun, at kung
kaya niya hindi magpaapekto, kanina niya pa yun ginawa. Pero dumarating naman
talaga sa lahat ng tao yung puntong inis na inis ka talaga, kaya alam kong
mauunawaan niyo siya. Kung hindi mo siya naiintindihan, halika dito at
babadtripin kita, baka lang kasi hindi mo pa nararanasan.
photo credit: |
At para sa mga badtrip dyan: inhale, exhale, smile. Alam kong
mahirap ang magpanggap pero mas mahirap ang buong araw na nakabusangot ang mukha
at inaaway ang lahat ng tao sa paligid. Pwede namang mabadtrip na kalma lang. isipin
mo nalang din na training yan sa ikabubuti ng pagkatao mo. At tanggapin nalang
natin ang katotohanang walang totoong time space warp, ang meron tayo ay Diyos
na magpapagaan ng mabigat na kalooban na nadarama natin ngayon. J
No comments:
Post a Comment