Ito na marahil ang pangalawang libro na akda ng Pilipino na nagkaroon ako ng interes basahin ng isang upuan lang. Hindi sa literal na natapos ko ito ng isang upuan, kundi 'yung mayroong pagnanais na ipagpatuloy mong basahin ang kwento hanggang sa matapos ito.
Kung nasusubaybayan niyo ang mga book reviews o reaction ko, marahil ay alam ninyong umaabot ng ilang buwan, mayroon pa ngang taon kapag nagbabasa ako ng nobela. Well, to be honest, maiiksing nobela lang din naman 'yung natatapos ko ng agaran, kagaya nitong MULING NANGHAHARANA ANG DAPIT HAPON ni RM Topacio-Aplaon na overnight ko lang nabasa (natulog ako ha).
Bukod sa hinihimok ng nobelang ito ang mga manunulat na muling magsulat o huwag bumitaw sa sining, mayroong tatlong "remarkable" na nagustuhan ko sa istorya. Hindi ito mga linya o excerpt, katulad ng iba kong nagawa sa book reviews, kahit mayroon naman. Kundi yung para sa kabuuan ng pagbasa ko dito.
1. 'Yung may namagitan sa dalawang bida ngunit hindi kinakailangan may mamagitang halik o higit pa. Gusto ko 'yung nagkaroon ng respeto ang manunulat sa dalawang character na parehong may unresolved issues at hindi niya ipinilit magkaroon ng ganuong relasyon.
2. 'Yung kahit maliliit na detalye maiimagine mo na parang nanunuod ka ng pelikula na mayroong extreme long shot, wide angle, extreme close up at iba pa.
3. Na naiisip ko yung fiance ko kapag dini-describe ni Rafael ang dagat dahil ganuong-ganuon din ituring ng fiance ko ang mahika nito sa kanya.
Marami pa akong nais isulat patungkol dito ngunit masyado nang personal para sa mambabasa ko (katulad nung No. 3) at sa tingin ko ay hindi na healthy iyun dahil magiging puro patungkol ito sa akin at hindi na sa libro. Kaya kung ako sa inyo, basahin niyo na at nang maintindihan ninyo ang pinanggagalingan ko.
Sa maiksing salita, isa sa magagandang nobelang nabasa ko. Gayunpaman, hindi ako sang ayon na hindi na maganda ang Manila Bay. Marahil ay nagsawa lamang titigan ng manunulat dahil sa araw-araw nitong nakikita ito sa biyahe, ngunit maganda pa din ito, lalo na kung sasapit ang dapithapon. Tanungin niyo 'yung taong unang beses itong nasilayan. Pustahan.
Hanggang sa muli.
P.S. Oo, mabagal ang Globe. Lahat ng network mabagal.
No comments:
Post a Comment