Monday, January 27, 2014

Para sa mga Badtrip

Sabi nila wag daw umpisahan ang linggo ng mga bagay na hindi mo ikakatuwa – in short, wag kang mabadtrip ‘twing Lunes.

Madaling sabihin pero mahirap gawin, lalo na kung hindi mo naman kontrolado ang mga bagay na nangyayari. Hindi naman pwedeng pumasok sa time space warp at alisin ang lahat ng mga bagay at mangyayri na ikakainis mo. Kung pwede lang, edi happy ang buhay. Pero hindi, unang-una walang nag-eexist na time space warp. Kung meron man, paki-post naman sa Facebook ko kung san makikita. Oo, interesado ako.

Lunes ngayon, at oo, badtrip ako.

Badtrip ako hindi dahil trapik, hindi din dahil sa mapanlait kong kapatid, badtrip ako dahil naubos na ang pasensya ko. Kung sinabi ni Angelica ang linyang “Ang pera natin hindi basta-basta nauubos, pero ang pasensya ko, kunting-konti nalang!”, eto naman ang linya ko, “Ipaglimos mo nalang ako ng pasenysa, kasi inubos mo na!”

Ayoko naman talaga mabadtrip, haler sino bang may gusto? Sino bang may gusto na maapektuhan ang buong araw ng pagkainis. Sino bang may gusto na mag-fake ng smile at tawa para lang hindi manmadamay ng ibang tao sa pagkainis. Pero sa ngayon, bukod sa pananalangin, yun lang ang paraan para makaiwas sa lalong paglala ng inis na nararamdaman ko.

At kapag alam mong ganun ang pinagdadaanan ng isang tao, hayaan mo lang siya. Hayaan mo siyang manamnam ang lasa ng tumataginting na pagka-badtrip. Subukan mo siyang patawanin, pero hayaan mo din siyang mapag-isa. Hindi naman siya habang buhay badtrip, ngingiti din yan at tatawa ng bukal sa loob, hindi lang ngayon.

At please, wag na wag niyo munang sasabihin na ‘wag magpapaapekto sa mga bagay na ikasisisra ng araw’. Maniwala ka, alam na niya yun, at kung kaya niya hindi magpaapekto, kanina niya pa yun ginawa. Pero dumarating naman talaga sa lahat ng tao yung puntong inis na inis ka talaga, kaya alam kong mauunawaan niyo siya. Kung hindi mo siya naiintindihan, halika dito at babadtripin kita, baka lang kasi hindi mo pa nararanasan.
photo credit: memegenerator.net


At para sa mga badtrip dyan: inhale, exhale, smile. Alam kong mahirap ang magpanggap pero mas mahirap ang buong araw na nakabusangot ang mukha at inaaway ang lahat ng tao sa paligid. Pwede namang mabadtrip na kalma lang. isipin mo nalang din na training yan sa ikabubuti ng pagkatao mo. At tanggapin nalang natin ang katotohanang walang totoong time space warp, ang meron tayo ay Diyos na magpapagaan ng mabigat na kalooban na nadarama natin ngayon. J