Sunday, August 19, 2012

Because ABS-CBN Scriptwriting Workshop didn’t call back…


I always hear people say, “There’s nothing impossible.”, and maybe it’s one of the most optimistic ways to go on and do what you think is unattainable.

We all have dreams. It may look so hard to reach but FAITH keeps us going. By believing that God is on our side and that He has a plan on how will you achieve your greatest dream, is enough to keep that HOPE on fire. And the story of other people who have achieved their dreams because they never stop pursuing it, gives us the INSPIRATION to do the same.

Faith. Hope. Inspiration.

These maybe are the important ingredients we should and must have in order to taste the sweet savor of our dream – That something we really want the most in life; the so-called passion your heart beats for.

But still we must admit that inspite of having these ingredients, there are times we get CONFUSE that most of the time led you to QUIT. There’s a voice inside that tells you “It’s impossible to happen. Come on! Wake up and face the reality that it can never happen! Go for something else. Something you can easily achieve.”

And then you asked God. CONFUSION totally caught the attention of your heart and mind. Maybe you have told God, “Is this really the road that I should take? If so, why is it this hard? Why do I keep on failing? Lord God, what is Your plan? Help me understand the situation I am in. Guide me.”

And despite the voice that pulls you down, there’s still a little HOPE, a little FAITH, and INSPIRATION.

Honestly, I’ve been there and still am running the cycle of Faith-Hope-Inspiration-Confusion-Quitting-Faith-Hope-Inspiration-Confusion-Quitting-Faith and so on…

I may not be as famous as Socrates or Aristotle or any known philosopher whose words were quoted for a million times. Maybe I am no one for I haven’t achieved anything yet. But these I tell you:

Go after your dream, your passion, that something you really want to do. Don’t think of that baggage you have in life, instead give it God. And in times of CONFUSION remember this – God will never give that passion without a purpose. Have FAITH and trust Him. He was the one who molded your heart. There’s a very reason why you have that passion. Besides, life is short to ignore what your heart beats for (nabuhay ka pa kung di mo rin naman susundin ang puso mo!). And if others can, of course you can (Duh, pare-pareho lang tayong tao!). And that might serve as your MOTIVATION. Because you may have all the FAITH, INSPIRATION and HOPE in life but without MOTIVATION how do you think you will move on?

And as for me, no matter how exhausted I get in this cycle, as long as I have this passion… not until I reach my dream, I am not going to stop. I will take some time to rest but I’m not going to stop. I can adjust my action steps but not my dream.

With the Mighty help of God, I am going to be a writer, a creative writer, to be specific. And may God keep my strength.

Thursday, July 26, 2012

Maling Akala

Naranasan mo na bang masampal ng maling akala? Yung tipong siguradung-sigurado ka sa paniniwala mo sa isang bagay, tapos sa isang iglap ng pagkakataon, masasampal ka ng katotohanang mali pala ang inaakala mong paniniwala. Napahiya ka. Ang mas masakit pa nito, napahiya ka hindi lang sa sarili mo kundi pati sa mga taong napaniwala mo din ng iyong maling akala.


Sa loob ng dalawampu’t dalawang taon ko dito sa mundo at labinlimang taon na may muwang sa mundo, iba’t ibang klase na siguro ng maling akala ang naranasan ko. Iba-iba rin ng paraan ng pagkapahiya. Pero alam ko, at sigurado ako na hindi lang ako ang biktima ng mga maling akalang pinaniwalaan ko. Kahit ipusta ko pa ang boyfriend ko, alam ko na maging ikaw na nagbabasa nito, naranasan na ang mga bagay na nakalista sa ibaba. Kaya ipusta ko man ang pinakamamahal kong tao, ako pa rin naman ang mananalo.

Mga nakakatawang maling akala, kung minsan, masakit din. Pero tawanan nalang natin ang katangahang pinagdaanan natin sa sa mga maling akala na ‘to. Alin kaya dito ang totoong naranasan mo?

  1. Akala mo may kausap ka pa, yun pala mag-isa ka ng naglalakad.
  • Ito na siguro ang pinaka palasak na maling-akala, yung naglalakad sa isang mall o sa palengke o sa park o sa kalsada o sa over pass o sa underpass o sa kahit sang lupalop pa yan, tapos ang saya-saya niyong nagkwekwentuhan. Tawa pa kayo ng tawa. Tuluy-tuloy ka lang sa pagsasalita pero nung hinihintay mo na ang reaksyon niya sa sinabi mo at nung wala ka ng marinig, nilingon mo na siya. At yun, muka ng isang babaeng hindi mo kilala at hindi mo maintindihan ang reaksyon kung nagulat o nagtataray. Nagpatay malisya ka nalang tapos pagtingin mo sa likod, andun pala ang loko mong kasama, nakatunganga at nakikiusisa sa kung anu mang bagay na pumukaw ng atensyon niya.

2.  Akala mo dala mo yung wallet mo, yun pala naiwan mo.
  • Ito yung tipo ng maling akala na nakakahiya talaga, lalo na kung wala ka talagang ibang pinaglalagyan ng pera mo kundi ang wallet mo at lalo na kung nasa bus ka o restaurant o convenient store o sari-sari store at nakain mo na yung binili mo. At ang masakit dito, mapagkakamalan ka pang miyembro ng mga taong may ganitong modus. Ikaw ang biktima, pero salarin ka sa paningin ng iba.

3.  Akala mo mamamatay ka na, pero hindi pa naman.
  • Ito yung maling akala na madalas madama sa twing nasa bingit ka ng kamatayan. Nangyayari ‘to kapag hindi mo ginamit yung overpass at tumawid ka sa hi-way tapos nakita mo, may kotseng paparating na hindi mo maisip kung saan galing, bigla nalang sumulpot. At sa hindi malamang dahilan e napako ang paa mo sa aspalto, yung tipong hindi makakilos, marahil dahil sa gulat at takot. Tapos naisip mo nalang, “ok, katapusan ko na.” Pero nagkamali ka, kasi biglang huminto ang kotse at nakatikim ka ng malutong na mura sa driver. Nakakahiya, pero atleast naman ligtas ka. Hindi lang sa kalsada madalas nangyayari ang ganitong maling akala, maaaring naranasan mo ‘to sa pool, sa dagat, sa eroplano, sa bus o sa kahit saang lugar na maaaring kahantungan ng huling sandali mo sa mundo. Kung sa bagay, ba’t ka nga ba hindi mag-aakala ng ganitong bagay, e hindi mo naman hawak ang ‘yong buhay.

4.  Akala mo nawawala ang cellphone mo, bulag ka lang pala.
  • Ito ang madalas maranasan ng mga taong wala sa sarili nila, makakalimutin, ulyanin at kung anu pa man ang gusto mong itawag sakanila. Ito yung nagpapanic ka na. Halos masira na ang bag mo sa kakahalungkat pero wala kang cellphone na makapa. At inanunsyo mo na sa mga kasama mo na nawawala ang cellphone mo. Sabi nung isa, “Hanapin mo lang, baka na-missplace mo”, yung isa naman, “Saan mo ba iniwan?”. Umabot pa sa puntong may pinagbibintangan ka na sa isip mo  kung sinong maaring kumuha ng cellphone mo, tapos maya-maya pagtingin mo ulit sa bag iyong bag, nandun pala sa kasuluksukan kaya hindi mo nakapa agad, o di kaya nandun lang pala sa isang lugar na pinagpatungan mo kanina. Pahiya ka tuloy konti, bukas bawi. Hindi lang limitado sa cellphone ang bagay na maaring akalain mong nawawala, pwede ring wallet o kahit anu pang mahahalagang bagay. Pero ayos rin lang naman mapahiya, ang mahalaga, hindi talaga ‘to nawawala.

5.  Akala mo tama ang spelling mo, mali pala.
  • Dito ako hindi sigurado kung naranasan niyo na, o ako lang ang tatanga-tanga na hanggang sa edad ko ngayun e may nadidiskobre pa kong mga bagay na akala kong tama yun pala mali. Madalas to sa spelling, grammar at kahulugan ng salita. Yung tipong alam na alam mong yun ang tama, tapos may magkokorek ng mali mong spelling o grammar o kahulugan ng salita. At dahil napatunayan mong mali ka nga, wala ka nalang ibang nagawa kundi tanggapin ang pagkapahiya at tumawa. Kasi nakakatawa naman talaga at nararapat na tanggapin nalang ang pagtama. Kasama talaga yun sa buhay. Saka kanya-kanyang katangahan lang tayo, walang husgahan, maling akala nga e.

6.  Akala mo maaga pa, yun pala tumigil ang relo mo.
  • Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit minsan badtrip ang araw ng isang emplaeyado o estudyante. Ikaw ba naman ang magmabagal pa sa kilos at maging kampante sa pag-aakalang hindi ka naman male-late, ayon sa orasan mo sa kamay. Pero mapapaisip ka sa pangalawang beses na pagsilip mo sa oras. Kasi nga naman, kahit nakalipas na ang mahabang mga minuto bakit parang ang aga parin? Dito ka na nagtaka at pinagmasdan maigi ang relo. At ayun nga, tumigil ang pinagkakatiwalaan mong orasan. Nang tanungin mo ang isang estrangherong malapit sayo kung anong oras na, napamura ka nalang sa isip. Oo, mahigit limang minuto ka ng late at medyo malayo ka pa sa destinasyon mo.

7.  Akala mo tama ang nasakyan mo, pero maliligaw ka na pala.
  • Ito yung hindi mo kabisado ang isang lugar pero dahil sa tawag ng pagkakataon e kinailangan mong byumahe mag-isa papunta sa lugar na wala kang muwang. Ayos naman sana ang lahat, pero ikaw kasi ang sumubok ng ibang ruta. Nagmagaling. Akala mo kasi lahat ng sasakyan e dadaan sa rutang nais mong puntahan. Pero nung napansin mong may mali na sa mga daang dapat ay madadaanan ng sinasakyan mo, dito ka nagtanong sa driver. Ayun, pumara ang dyip at bumaba ka, kasi mali ang sinakyan mo. O ngayon alam mo na, atleast hindi mo na masasakyan ang maling ruta.

8.  Akala mo tinitingnan ka nung katabi mo sa bus, yun pala sa bintana nakatingin.
  • Ito yung asiwang-asiwa ka, kasi ba naman yung katabi mo, walang tigil sa pagsulyap-sulyap sayo. Akala niya siguro hindi mo namamalayan, pero kitang-kita ng peripheral vision mo, tingin siya ng tingin sayo. Ipinakita mong naiirita ka na, kaya sa bawat pag lingon niya, nililingon mo na rin siya at sya namang lipat ng tingin niya sa ibang direksyon. Nung sa wakas ay nahuli mo siya, nakatingin naman siya sa bintana. Tumingin siya ulit, tiningnan mo siya, sa bintana ulit siya nakatingin. Sayang at hindi mo mahuli. Nung tumingin siya ulit, tiningnan mo din, at sa bintana pa rin siya nakatingin. Mga pitong beses siguro nagpa-ulit-ulit ang ganung scenario niyo bago pumasok sa isip mo na mali pala ang akala mo. Hindi ka niya tinitingnan. Yung tanawin sa labas ng bintana ang pinagmamasadan niya. Ikaw pa tuluy ang nagmukang wirdo sa kakatingin sakanya.

9.  Akala mo pinupormahan ka, hindi pala ikaw ang type.
  • Ito ang maling akala na pinaka masakit sa lahat. Kasi ba naman merong isang taong gumagawa ng paraan para mapalapit sayo. Interesado sa mga gusto mo. Interesadong makilala ka ng lubos. Humaba tuloy yung buhok mo. Idagdag pa na ipinapakita niyang espesyal ka sakanya, kaya eto ka kilig-kiligan sa taong pumuporma sayo. Todo kwento ka pa sa mga kaibigan mo, sabi mo may crush ka tapos may crush din siya sayo. Dumating pa sa puntong nakilala na siya ng mga kaibigan mo. Tapos sabi nila, “oo nga, may gusto rin siya sayo”, sabi ng isip mo, “alam ko”. Pero may isang pagkakataon na nagpatunay sayo na nagugunaw nga ang mundo. Ito yung noong ipinakilala niya sayo yung babaeng mahal niya. Nagunaw ang mundo mo. Sino ba namang magaakalang may mahal pala siya, e samantalang sayo lagi nakapokus ang atensyon niya, o akala mo lang pala. Masakit. Pero yun ang katotohanan sa mali mong akala.

10.  Akala mo maganda o gwapo ka, pero nakakatawa ka.
  • Ito ang maling akala na mahirap ipamukang maling akala pala at ito ang maling akala na sobrang nakakatawa para sa ibang tao. Kasi feel na feel niyang ang gandang nilalang niya, pero alam naman ng lahat ng may mata na maaaring nag-iilusyon lang siya. Kung magkwento ng mga taong di umano’y may gusto sakanya akala mo e kung sinong artistahin ang pagmumuka. At kung magkwento ng mga pangyayari sa buhay niya, talaga namang ang gandang nilalang niya. Sa mga gantong maling akala, dapat talaga tawanan nalang.

Maling akala. Siguro nga kasama rin talaga yan sa buhay. Ang mahalaga sa bawat maling akala, nalalaman nating mali ang ating akala. Edi kahit papanu ay naitatama at natututo tayo.

Maling Akala. Nakakatawa, at kung minsan, masakit din. Pero tawanan nalang natin.

Sunday, March 11, 2012

Mahal kita.

Mahal kita.
By: Shella Salud


Hindi ang pag-iwas o ang pag-layo ang basehan ng nadarama ng isang tao. Minsan, kahit lumalayo siya, gusto ka pala niya. Minsan naman lapit ng lapit sayo, pero wala naman talagang ibig-sabihin yun. E paanu? Saan mababase ang tunay na nadarama sa iyo ng isang tao? Sa salita ba? Kapag sinabi bang daretyahan, paniniwalaan na natin ‘to? Sa kilos ba? Yung tipong kapag gumagawa siya ng mga bagay para sa iyo? Hindi rin e, kasi maari naman may masabi ang isang tao dahil lang sa dikta ng pagkakataon at ‘di dahil yun ang tunay niyang nadarama. Hindi rin porket ginagawan ka ng mga bagay e dapat isipin mo ng may nararamdaman siya para sa iyo. Oo malabo, kasi hindi sa mga bagay na yun masusukat ang tunay nating nadarama.

Kung naranasan mo ng magmahal ng lihim, naiintindihan mo ang ibig kong sabihin. Kung nasaktan ka na dahil sa pag-ibig, mauunawaan mo ang gusto kong ipaliwanag. Kung nagmahal ka na, magkakasundo tayo ng ideya. Kasi ang totoo, walang basehan para sa tunay na nararamdaman sa iyo ng tao. Ang lahat ay nakasalalay sayo kung paano mo paniniwalaan ang nadarama niya.

Magkakaiba ang tao. Magkakaiba ng paraan kung paanu ipahayag ang sarili. Pero lahat marunong umibig. Yun nga lang magkakaiba ng personalidad. Kaya iba-iba ang pamamaraan. Kaya nagugulo ang sinasabi nilang basehan, na sa totoo lang naman, ay wala talagang basehan. Kanya-kanyang deskarte lang, at kanya-kanyang pagtanggap lang ng paniniwala. Kanya-kanya pagpili ng ilusyon o katotohanan.

Yun na siguro yung dahilan kung bakit magulo ang pag-iibigan at kung bakit may di pagkakaunawaan, kasi nga iba-iba tayo ng basehan. Yun na din siguro ang dahilan kung bakit kahit mahal niyo ang isa’t-isa e pinili niyo pa ring maghiwalay, kasi hindi mo maramdamang mahal ka niya kahit paulit-ulit niya pa ‘tong sabihin at kahit totoong mahal ka naman talaga niya. Pinagdudahan mo ang nadarama niya dahil hindi mo maramdaman ang pinagbabasehan mo ng salitang ‘mahal’. Ang totoo lang naman nun, magkaiba kayo ng paraan pero mahal niyo talaga ang isa’t isa.

Minsan naman hindi mo maamin ang tunay mong nadarama kasi sa tingin mo wala siyang gusto sayo. Lagi niyang iniiba ang usapan sa twing sinusubukan mong ipahayag ang nadarama mo. Kung minsan naman, waring iniiwasan ka niya. At dahil nga ganun ang ikinikilos niya sa iyo, ipinasya mo nalang na ilihim ang nadarama mo at ipag-sa-walang bahala nalang ito. Ang ‘di mo lang alam, lihim ka din pala niyang minamahal. Umiiwas siya dahil ayaw niyang mahuli mo na may nadarama siya para sa iyo, malay niya ba kung biro lang ‘yun. Ang hinihintay niya ay ang seryoso mong mga kilos upang makasigurado siyang totoo nga ang iyong nadarama at saka niya lang ipapahayag sayo na ganun din naman ang nadarama niya. Pero dahil nga ipinag-sa-walang bahala mo nalang sa pag-aakala ng maling akala, hindi natupad ang istorya ng pag-ibig niyong dalawa.

Pero ang masakit sa lahat, yung alam mong mahal ka ng taong mahal mo. Yung lahat ng ebedensya ay nandiyan at nagpapatunay ng nadarama niya. Masaya kang malaman, pero nakuntento ka nalang dun. Kuntento na alam mong mahal ka niya, at di na ginawang iparating din ang tunay mong madarama. Hindi mo ipinahayag na mahal mo din siya. Hanggang sa nagsawa siya. Sinubukan mo siyang pigilan upang manatili sayo. Pero nabulag na siya ng basehan niya at naniwalang wala ka ngang nadarama sakanya, kaya ba’t pa siya mananatili e ayaw na niyang umasa at masaktan. At kahit pa nga sa napipinto niyang paglayo, hindi mo pa rin sinabing mahal mo siya. Pinipigilan mo siya, pero hindi mo naman sinasabi ang salitang tunay na magpipigil sa pag-layo niya. At nung tuluyan na siyang lumayo, sinasabi mong sinaktan niya ang puso mo. Pero ang totoo, ikaw ang nanakit sa sarili mong puso at ikaw ang lubos na nakasakit sa puso niya.

Mahal kita. Sa paanong paraan mo ba gustong ipahayag sayo ang salitang ‘to?