"Iniisip ko kung sinabi niya ba 'to ng mas maaga, maiiba ang desisyon ko?
Ibinalik ko ang sarili ko sa panahon na 'yun, kung saan punong-puno ako ng pagkalito, agam-agan, at takot.
Isa lang ang path na nakikita kong magiging matino ang pag-iisip ko. At ito 'yun. Ang buhay na kasama si Breb -- ang pagpili ko sa kanya. Mababaliw ako ng sobra sa ibang path; hindi kakalma ang pag-iisip ko dahil hindi masasagot ang mga tanong at gagawa lang ng nga panget na sagot ang utak ko.
'Kung makukuha mong magtapat nu'n at ikaw ang piliin ko, magiging masalimuot ang buhay mo kapiling ako. Palagi kong hahanapin ang anino ni Breb. Palagi akong gagawa ng mga sinaryo sa utak ko at baka paniwalaan ko ito at pareho tayong mawasak. Dahil hindi masasagot ang mga tanong sa isip ko, mananatili akong walang lubos na katinuan at baka wala ka ding makapang pag-ibig...' "
No comments:
Post a Comment