2009 nung napagpasyahan kong gumawa ng account sa FB. Kanina napagpasyahan nilang i-disabled ang account ko sa 'di mawaring dahilan.
Ganun lang kadali.
Ewan ko kung maibabalik pa 'yung account ko, pero neknek nila, dahil hindi ako magmamakaawa para ibalik nila 'yun o magbabayad para maging verified account. Isang bes ko lang susubukan, kung ayaw nila edi fine, they lost me forever.
Excited na din akong maexperience ang mundong walang Facebook. Duh.
Anyway, available ako dito sa mga blogger/blogspot account ko kung interesado ka pa ding makipag interact sa akin. I have 4 blog sites here on blogspot/blogger, look for them inside "about the author" diyan sa gilid to view all. Also, I am part of the website ditokayshellan.com and very much excited to talk to you on that platform.
I have also X and Tumblr accounts, comment down a title of a book then I will share you my account name on those socials. Masyadong makalat ang X account ko, early warning na yan ha.
And, if you know me personally and wondering where you can reach me easily, I have Viber and Whatsapp account, see you there. (Ayoko sana ng whatsapp kasi meta din yun, pero mas active dun ang mga mahal ko sa buhay.)
Gusto ko lang din gamitin ang blogpost na 'tu para iappreciate ang mga mahal ko sa buhay na nag-adjust para makakonek pa din sa akin. Well, alam ko naman na hahanapin nila ko. Ganun kataas ang confidence ko na one of these days, may magmemessage sa akin at kilala ko na agad sila. Hindi ako nagkamali. Mga kaibigan ko sila pero itinuturing ko na na mahal sa buhay. Una, e dahil sa mga pinagsamahan; pangalawa, dahil nakita na nila yata ako sa lahat ng istado ng buhay ko mula pagkanene na immature, hanggang sa adult na immature 😂 at sa mga pinagdaanan kong 'di nila ako iniwan. They've witnessed my darkest days and chose to stay. More than half of my existence kasama ko na ata sila. I'm happy that I have a small circle of true friends na sigurado akong ikekeep ako kahit anong mangyari. Parang sa movie na 3 Idiots, nung sinabi ni Amir Khan na may dalawang idiots na maghahabap sa kanya. Ganun din kataas ang confidence level ko. Ikikeep ko din sila, kahit anong mangyari. Wait. Naging kadramahan na 'tu na parang entry sa Maalaala Mo Kaya 😂 pero ganun nga siguro talaga, you will know who your people are. Naalala ko tuloy, gumawa ako ng tula about diyan:
Pero in this case, alam ko na agad kung sino sila.
Aaaannnnnd, if you'd like to indulge yourself some boring stories, go to my wattpad account named shellaseven. See yah around!
O eto, proof of existence wearing my favorite haircut:
And if you're wondering, no, hindi na ako gagawa kahit kailan ng another FB account.
Ay may YouTube account nga pala ako, @ditokayshellaB, subscribe and stay connected. Pero kung ayaw mo, okay lang din naman. Hehe. Shalom!





No comments:
Post a Comment