Hindi naman siya matalino, pero hindi rin siya bobo.
Matapang siya, pero nasa lugar kung lumaban.
Hindi siya mayaman, pero may kaya sa buhay.
Madalas niya kong napapatawa, pero seryoso siya kung kinakailangan.
Marunong siyang makinig at marunong siyang magpayo.
Marunong siyang umunawa at naiintindihan niya ko.
Mahaba ang kanyang pasensya, pagkat wala akong pasensya.
Kaya niyang umiyak sa harapan ko, patunay na kaibigan niya ako.
At bukod sa Diyos, kaya niya kong mapagbago.
Mahal niya ang mga taong mahal ko,
at mahal ko ang mga taong mahal niya.
Pogi siya sa paningin ko:
hmm, matangos ang ilong niya at maganda ang mga mata.
Matangkad siya kesa sakin, pero hindi siya payatot.
Hindi siya magaling magluto, pero marunong siyang magluto.
Tinatangkilik niya ang mga sulat ko, kahit pa hindi niya hilig ito.
Marunong siyang tumugtog ng instrumento, pagkat hilig ko ito.
Kaya niya akong pagalitan, pero hindi niya ako sinisigawan.
Maabilidad siyang tao, marunong gumawa ng paraan pero maprinsipyo.
Hindi siya relihiyoso, pero naniniwala siya at mahal niya ang Diyos.
Pinoprotektahan niya ko, at ipinagtatanggol kahit hindi ko pa sabihin ito,
Wala siyang bisyo, pagkat nagbago siya para kay Kristo.
Responsable siyang tao at may magnadang trabaho.
At higit sa lahat..
'Di niya ko kayang saktan, pagkat mahal niya ko.
...and those are the very reasons why I don't like to be married..
obviously my HE'S THE ONE and ONLY EXCEPTION doesn't
:)